Jones, Ibeh paistaran

Jones, Ibeh paistaran

Pukpukan ng undefeated teams TNT Ka-Tropa at NorthPort ang second game mamaya ng PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Isa lang sa KaTropa at Batang Pier ang didiretso sa pangatlong sunod na panalo, aakbayan ng mananaig ang Blackwater (3-0) sa tuktok ng standings.
Nagkataon na kinolekta ng magkatunggali ang dalawang panalo parehong sa NLEX at Alaska, at sa parehong araw din.

Noong May 22, u­nang biniktima ng TNT ang Road Warriors 102-87 bago tinambakan ng Batang Pier ang Aces 103-81. Nitong Sabado, tinumba ng KaTropa ang Aces 99-85 sinundan ng 83-79 escape ng Batang Pier sa NLEX.
Sa nightcap mamaya ay unahan sa pagbangon mula two-game skid ang Alaska (1-2) at NLEX (0-2).

Nasa unahan ng mga panalo ng TNT si Terrence Jones. Pasabog ang NBA veteran ng 41 points sa debut game, nakakapaglista na siya ng 43 bago nilabas ni coach Bong Ravena higit 2 minutes pa sa Alaska game. Sa dalawang laro ay nagbaba ng 36 rebounds si Jones.

Matikas ang backup ni Jones kina Jayson Williams, RR Pogoy, Troy Rosario at Anthony Se-merad.

“We want to keep improving every game,” wika ni Ravena. “We cannot take NorthPort lightly. We will play harder, especially on defense. Hope we can sustain our energy from start to finish.”

Mas mababa ang produksiyon ng counterpart niya sa kabila na si Prince Ibeh, nag-average ng 17 points at 16 rebounds sa dalawang laro.” (Vladi Eduarte)