tonite-annyeong-rose-garciaNakalabas na mula sa kanyang mandatory military service si Joo Won.

Siya ang naging bida sa “Baker King”, “Good Doctor” at “Yong Pal.”

Lumabas ito noong February 5, sakto sa pagdiriwang ng Lunar New Year. Sinalubong si Joo Won ng kanyang mga tagahanga.

Twenty-one months ding nasa loob ng military si Joo Won. Nag-serve siya bilang Assistant Instructor sa White Skull unit.

Mas napaaga ng ilang araw ang paglabas ni Joo Won dahil sa bagong batas noong September 2018 ng Government Defense Reform 2.0. Pinababa na ang service duration from 21 to 18 months. Kaya nakalabas si Joo Woon 10 araw bago ang original date ng discharge niya na sa February 15, 2019.

So far, wala pa raw siyang napipili na comeback project, pero nandoon na ang excitement na muling makagawa ng drama.

Ayon sa actor, “I’ve finished my military service, which could be seen as long or short depen­ding on how you look at it. It was a mea­ningful time full of new experiences, and everyone took care of me like fami­ly. Thanks to them, I was really happy.

“I really missed my fans. More than anything, I wanted to act in a great drama. I haven’t yet chosen my next pro­ject.”

Nagpasalamat din siya sa maraming letter na natanggap daw niya habang nasa loob siya.

Kadalasan, isa sa naging libangan ng mga male Korean na nasa loob ng military ay ang mga South Korean girl groups. Hindi naman nito ikinaila na Blackpink ang pinakagusto niya.

Ayon dito, “Watching TV in the army, I saw that all celebrities leaving the military get this question. So I thought about it. There were a lot. On base, it’s not just girl groups, but TV that picks us up. But among [the girl groups], BLACKPINK was my favorite. Other girl groups were a lot of help, too. I hope girl group members will continue to promote for us.”

Nangako naman si Joo Won sa mga fan na babawi siya sa panahong nawala siya.