Dismayado si American import Jenelle Jordan ng Pacific Town Army sa pagkalubog ng koponan kontra BanKo sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Confrence best-of-three battle for third Game 1 nitong Miyerkoles.
Dikdikan ang paluan ng dalawang panig, ngunit ‘di na nakaahon pa ang Lady Troopers sa fifth set at mapahulagpos ang 27-25, 25-10, 25-27, 24-26, 14-16 loss sa Perlas Spikers.
“Everybody’s just thinking about the next game. Forget about this and go on to the next one,” pahayag ni Jordan na umiskor ng 18 points.
“I was surprised and mad by the outcome of all these just because I felt like we had control of the game. Then we just kind of lost it,” dagdag niya.
‘Di rin sapat para sa Pacific Town Army ang 26 points ni import Olena Lymareva-Flink at 24 markers ni Royse Tubino.
“We made it hard on ourselves. We were basically just defeating ourselves out there,” wakas ni Jordan.
Sa darating na Sabado, ibubuhos ng Lady Troopers ang mga nakatabi pang bala sa Game 2 para makapuwersa ng winner-take-all sa bronze medal match. (Janiel Abby Toralba)