Maagang pinaramdam ni Golden State big man Jordan Bell ang diwa ng Pasko sa mga nadatnang fans sa isang diner.

Sa ulat na unang lumabas sa nbcsportsbayarea.com ay nabunyag ang kagandahang-loob ni Bell.Pumunta raw si Bell sa isang taco truck sa Oakland nitong Biyernes at nadatnan ang isang pamilya roon.

“Went to a taco truck for dinner .. my son said Daddy ain’t that Jordan Bell .. he bought everyone food who was there,” tweet ni @TjaderDaRaider. “@1jordanbell … thanks for the pix with my son .. oh yea thanks for dem tacos #DubNation.”May picture pa ang tweet ng batang lalaki kasama si Bell, pareho silang nakangiti.Ni-retweet ni Bell at sinagot: “Really nice meeting y’all too.”Nilibre ni Bell ang mga dinatnan, game na game pang nagpa-picture.Merry Christmas!


VE