Jordan pasiklab sa sportfishing

Pakitang gilas si NBA Hall of Fame legend Michael Jordan sa 62nd Big Rock Blue Marlin Tournament 2020 matapos makabingwit ng isang 442-pound blue marlin.

Sinungkit ni Jordan at kanyang boat crew na Catch 23 ang 442.3-pound blue marlin nitong Miyerkoles (Manila time), sa panlimang araw ng nine-day sportfishfest sa Moorehead, North Carolina.

“It’s been a while since I’ve been back in Morehead City. It’s only about 100 miles from Wilmington, and it’s always great for me to be able to come back,” kwento ni Jordan, 57. “I’m happy to be back. Thank you for inviting me.”

Kahit na sixth-largest marlin na nahuli sa ngayon sa torneo iyon, nasa ikalimang pwesto ang crew ni Jordan sa $3.3M event na aabutin pa sa Hunyo 14 (PH time), na pinakamatagal na at pinakamalaki sa USA.

“I would love to be back with a little bit bigger fish,” sambit pa ni Jordan na dinumog sa paligsahan kung saan siya unang nakilalala bilang University of North Carolina stalwart. (Janiel Abby Toralba)