Labing-anim na taon matapos ang huling laro sa NBA, si Michael Jordan pa rin ang pinakamaangas pagdating sa kita sa shoe endorsements.
Sisiw, mumu, dulo ng kuko lang ng kinita ni Jordan ang earnings ng mga sumunod sa kanyang NBA players, retirado na o naglalaro pa.
Nilabas ng Forbes ang listahan ng taunang kita ng NBA richest shoe deals, una rito si Jordan sa $130 million mula Nike/Jordan Brand.
Nasa top five sina LeBrona James ($32M, Nike), Kevin Durant ($26M, Nike), Steph Curry ($20M, Under Armour), at Kobe Bryant ($16M, Nike).
Kukumpleto sa top 10 sina: James Harden ($14M, adidas), Zion Williamson ($13M, Jordan Brand), Russell Westbrook ($12M, Jordan Brand), Dwyane Wade ($12M, Li-Ning), Kyrie Irving ($11M, Nike) at Derrick Rose ($11M, adidas).
Kung titignan, malaki ang kontrata ni Williamson, No. 1 overall pick ng New Orleans Pelicans noong June.
Retirado na sina Wade at Bryant, hindi na rin kasing-angas noong dati si Rose.
Base sa report, pumirma si Jordan sa Nike ng $500,000 per year noong 1984, pero napakalaking halaga na ‘yun 35 years ago.
Tatlo’t kalahating dekada nang kumikita ang investment ng Nike kay Jordan. (VE)