Inamin ni Jordyn Woods ang ginawang pakikipaglaplapan kay Tristan Thompson, sa kanyang tell-all interview kay Jada Pinkett Smith. Humingi siya ng paumanhin sa mga taong nasaktan niya.
Malaking kadahilanan ng paglalantad at pagsasalita ni Jordyn sa nagawang katrayduran ay dahil sa malapit na koneksyon ng kanyang inang si Elizabeth Woods sa mga Smith.
Naglingkod si Elizabeth para sa pamilya Smith mula Setyembre 2003 hanggang 2007 sa dating Treyball Development.
Ang nasabing malaking iskandalo sa pagitan nina Jordyn at Tristan ay kinunan para sa season 16 ng “Keeping Up with the Kardashians.”
Matatandaang noong pumutok ang nasabing iskandalo ay dinala sa Palm Springs ng kanyang mga kapatid na babae si Khloe Kardashian. Dumamay sina Kourtney, Kendall, Kim at Kylie sa kapatid. Ito’y para matanggap at makapag-move on na agad sa masakit na ginawang pangangaliwa ni Tristan.