Joross at Edgar Allan, konting KEMBOT pa at ‘bibigay’ na

EDGAR ALLAN & JOROSS

DERETSAHANG nagpahayag na ang dalawang alaga ng kaibigang Noel ­Ferrer na huling gay role na itong gagam­panan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa pelikulang ­Deadma Walking na ipo-produce ng T-Rex ­Entertainment Productions.

Nag-story conference sila kamaka­lawa at sinabi sa amin ni Joross at EA na baka konti na lang, matuluyan na sila kapag gaganap pa sila uli ng gay role.

Maganda itong project na inalok sa kanila, at sabi nga ni Joross, unang ­inalok ito kina Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz.

Nagustuhan nila ang material.

“Kaya lang sobrang blessed sila na hindi kaya sa schedule nila, kaya hindi nila kayang gawin.

“Mabuti na lang, blessed sila mas­yado, kaya sa amin napunta ang ­project,” pakli ni Joross nang nakapanayam ­namin sa Showbiz Talk Ganern ng DZRH.

Balak nilang i-submit sa Metro Manila Film Festival itong Deadma Walking.

Tipong Die Beautiful din itong tema ng pelikula pero sabi ni EA, hindi sa kabadingan lang naka-focus ang ­kuwento kundi sa pagkakaibigan.

Gaano mo raw kakilala ang iyong kaibigan kung totoo o hindi pagdating ng iyong kamatayan?

Bagong direktor ang ­magdidirek nitong Deadma ­Walking na si Julius ­Ruslin ­Alfonso.