JOROSS, JACKPOT KAY JUDAY

Judy Ann Santos-Agoncillo at Ryan Agoncillo

HAVEY: Unang araw ngayon ng shooting ni Joross Gamboa para sa pelikula with Judy Ann Santos and Angelica Panganiban na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Para kay Joross, ito na ang rurok ng kanyang pagka-aktor. “Walang exagg, bilang Pambansang Best Friend, at kine-claim ko na talaga ang title na ‘yun, isang malaking karangalan maging leading man ng ating Young Superstar Miss Judy Ann Santos.

“Nang malaman ko nga ang role ko sa bagong pelikula namin, sabi ko, kahit masampal o taray-tarayan lang ako ng isang Judy Ann Santos ay badge of honor na ‘yan.

“Ibig sabihin, I have arrived. Eh, laking swerte ko, asawa pa pala ang role ko rito, so malaking basbas at zoom ito sa career ko!” bulalas ni Joross.

“Aminin naman natin ang laki ng nagawa ni Juday sa mga career ng kanyang mga naging ka-partner na sina Piolo Pascual, TJ Trinidad, Derek Ramsay at si Kuya Ryan Agoncillo.

“Lahat sila had big box-office hits with her including ‘yung iba pa niyang naging loveteams na sina Wowie de Guzman at Rico Yan.

“Never sa hinagap ko na mako-consider akong ka-partner siya — moreso maging asawa siya sa pelikula dahil sino ba naman ako, ‘di ba?

“Imagine, kung kailan pa kami nagkapamilya at nagkaanak, saka ko siya makakasama? Buti na rin lang, kasi at least, nag-mature na rin ako, hahaha!” sabi ni Joross.

Bakit, kung mas maaga pa sa career niya nakasama si Juday eh ma­lamang pinormahan niya ito?

“‘Wag naman ganu’n! Paghanga meron, pero hindi ginaganyan ang Judy Ann Santos, iginagalang ‘yan!

“Isa siyang Best Actress ng henerasyon natin! Teka, may kissing scene ba kami ni Juday rito?

“Magpaalam muna tayo kay Kuya Ry, ha?!” pabirong bawi ni Joross na sa totoo lang ay kabadong excited sa kanyang pagiging partner ni Juday sa pelikula.

“Ewan ko, pero siguro, may nagawa naman akong maganda sa buhay ko kaya biniyayaan ako nang ganito,” sabi ni Joross na feeling blessed na aside from his movie with Juday and Deadma Walking ay may pelikulang ipapalabas pa rin sa CineLokal next week na I Love You. Thank You.

“With Prince Stefan bago siya naging Prinsesa,” sabi ni Joross.

***

WALEY: Nang lumabas ang article sa isang gay site tungkol sa Pinoy Magic Mike na magkakaroon ng tour sa US, tinawagan ko kaagad si Vin Abrenica na isinama sa press release na hindi uubra ang schedule niya roon dahil extended pa rin ang top-rating na Wildflower kaya no way niyang kakayanin na lumipad papuntang U.S.

As it turns out, siya lang ang kasama sa isang matatag na teleserye kaya ‘yung iba’y mala­yang makakaikot ng Estados Unidos sa September-October.

Sabi sa press release, makakasama sina Albie Casiño, Marco Gumabao, Jay Gonzaga, Markki Stroem, at Victor Basa.

Noong una, nine-name drop pa nila sina Daniel Matsunaga, Rayver Cruz, at Edgar Allan Guzman pero naging malabo ang negosasyon.

And now, this way it is marketed, noong una’y comedians at jesters lang, ngayo’y incorporated na ang drag queens.

Buti na lang at habang may Wildflower pa ay may nakalinya pa siyang pelikula na tungkol sa biktima ng giyera sa Marawi na si Vin ang napiling bida ng Direk Arlyn de la Cruz.

“Ok lang, busy naman, at ok pa rin namang mag-Magic Mike dito na lang sa Pinas na kakilala at ka-close ko ang mga katrabaho ko,” sabi ni Vin, na isa rin daw doting uncle kay Alas na anak nina Aljur at Kylie.

Parang gumanda at naging positibo ang lahat sa pamilya nila simula nang dumating si Alas.
Mabuti naman!

Iba talaga ang nagagawa ng anghel sa bahay. Hindi pa ba naiisip ni Vin na gumawa ng sarili niyang anghel?

“Kayud-kayod na muna,” sagot ng naka­babatang Abrenica.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.