Joross tinukso ang MaiJo

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioNoong unang panahon, poot na poot at suklam na suklam ang mga fan ni Maine Mendoza kay Archie Alemania dahil sa bidyo nitong ipinahiwatig na everything was going on smoothly between the Philippine Sweetheart at ang umano’y boyfriend sa dilim number 2 niya, si Juancho Trivino.

Sino muna ang boyfriend sa dilim number 1 ni Menggay? Siyempre pa, marami ang nanalig dati na umano’y si Jake Ejercito ito. According sa mga urban legend chika dati, how true na ang nanay ni Ejercito na si Ms. Laarni Enriquez eh botong-boto raw kay Mendoza? Siya nga ba ang nag-request sa pamunuan ng Eat Bulaga kaya parang naging 3rd wheel dati si Jake sa AlDub when it was still a phenomenon?

Ang diva that you love ang unang nagbalita sa chikang si Ejercito ang third angle sa team up dito rin si Abante TONITE. Hindi ba may tsismis dati na may chance na si Maine ang mystery girl umano na kasama ni Jake sa isang party place at ito ngang si Andi Eigenmann, if my memory serves me right, cry me a river at hindi makapaniwala na Ejercito is playing an actor part and might be even playing sweet music with Mendoza dati? Well, water under the bridge na ang lahat kasi nga pumutok ang chikang si Trivino umano ang lalaki sa dilim ni Menggay.

Again, tila may tandang pandamdam na ang Trivino kadiliman dahil nga mas maliwanag sa sikat ng araw sa buong universe ang pagi­ging malapit nila ni Arjo Atayde.

Ngayon si Joross Gamboa naman ang may caught in camera moment kung saan makikita ang panunukso ni Gamboa kay Atayde about his rumored romance with GMA-7 host-actress Maine Mendoza du­ring a screen test for their upcoming film project.

Sa nasabing bidyo na mula sa isang netizen, si Joross may hanash kay Ketchup Eusebio na, “Ito na yung main idea na naisip ni Arjo. Ito yung main… Main-aisip ka ba?”

Halakhak ang reaksyon ni Ketchup rito at si Arjo, being the ultimate professional, nakitawa sa kanyang mga Tol co-star.

Bago ang biruang ito, may mga dinner date larawang lumabas na nagsasabing magkasama daw ang love birds.

Ngayong may ganitong pagbibiro si Joross, hindi kaya siya naman ang ratratin ng mga hindi pa nalulupig ang pag-asang AlDub fanatic? Kung dati offended sila kay Archie at walang patumangging hating at bashing ang tinanggap nito, makakaasa na ba tayo na Joross will also have his lion’s share of the Archie Alemania experience? Hanggang kailan kaya ang kanilang guerrera mode?

If Arjo Atayde drops the bomb at mag-man up na, ipagmalaki ang kanilang relas­yon ni Maine Mendoza, kayanin pa kaya nila, o magpakalbo silang lahat as a sign of indignation at protesta?

Will Maine Mendoza and Arjo Atayde, who belongs to warring networks, ang maging tunay na millennial Romeo and Juliet? Kaabang-abang, hindi ba naman?
***

Kris, Sharon panalo sa Christmas family portrait

Some of the nicest Christmas family portraits na aking nasilayan sa social media ay ang kina Kris Aquino, kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua Aquino na Gucci hoodie ang suot. Si James Yap Jr. ang outfit canary yellow pull-over na may Blind On Love print at Christmas color ang kay Krissy, red kung red na may chance na branded rin.

Type ko rin ang very pang-Friends na photo ng mga Pangilinan, may immaculate white sofa with Senador Kiko na sobrang casual ang get-up, si Sharon Cuneta in all black, si Miguel na parang ka-twinning ni Sen. Kiko ang outfit, si Miel na all denim ang get up, si Frankie na white blouse and city shorts combo at si KC na skyblue, off shoulder dress.

Picture perfect silang tingnan.

Ang mga Huessaff naman, panalo in their pajamas. Si Solenn ang nag-share ng kanilang family photo. Naka-Christmas designs and colors ang kanilang sleep wear.

At ang very royalty ang dating sa akin, ang pamilya ni Patrick Garcia, naka-sky blue and white ang kanilang motif. Kasama ni Garcia ang kanyang lovely wife and daughters. So loving the cerulean colored chair kung saan seated ang wifey ni Patrick. So yayamanin!
***

Labanan sa kita ng MMFF umariba na

Sino nga kaya ang nangunguna sa takilya sa kasalukuyang MMFF? Kamusta kaya ang kabugan sa takil­ya ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Bossing Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin versus the Vice Ganda, Ri­chard Gutierrez and Dingdong Dantes led na Fantastica: the Princesses, the Prince and the Perya? Na kanino ang unang ha­lakhak papunta sa bangko? Sa bandang huli, sino ang may pinataginting na pagtawa papunta sa kayamanan sa takilya?

Sa labanang Otlum versus Aurora, sino nga kaya ang aariba?

Sa tunggalian sa romansa, si Kim Chiu ang mamemewang dahil ang One Great Love ang one great hit sa lahat? O, raised by the power of two ang Mary, Marry Me nina Toni at Alex Gonzaga kaya eat our alikabok ang iba? Siyempre pa, ang mala-Notting Hill nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales, hindi magpapatalo ang nagdadabog nilang bangs?

Eh kamusta naman ang the power of pink love na nag-volt in sa family drama, ang Rainbow’s Sunset, siya kaya ang kasama sa top three? Ang sagot sa mga tanong, malalaman natin sa tamang panahon, lalo na nga’t the MMFF is just warming up, right?