Bagong taon, mga bagong pelikula at palabas sa telebisyon ang inaaba­ngan. Ngayong 2019, maliban sa midterm election, ang mga pelikulang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo, Born Beautiful, Ang Sikreto ng Piso at ang Tol, nagpaparamdam na.

Ang Boy Tokwa ay isang malaking acid test para sa bida nitong ni Jose Manalo. Solo starrer niya ang comedy flick. Siya ang main man sa marquee.

Kung may cameos sina Wally Bayola, Paolo Ballesteros, ang kanyang mga kasangga bilang JoWaPao, magkakaalaman sa tamang panahon. Kung sakaling may special screen appearance si Bossing Vic Sotto, sooner than soon, alam na alam na rin natin.

Hindi ko pangu­ngunahan ang nararamdaman ni Ginoong Manalo sa kanyang pelikulang paparating at ayokong magbigay ng kahit na anong komento tungkol sa trailer nito dahil unfair naman ang ganun sa buong pelikula. If we don’t judge a book because of its cover, mas lalong hindi makatarungan na you judge a movie, because of its trailer.

Ang hindi puwedeng pagduduhan, malaki ang tiwala ng kanyang producer kay Jose para sumugal sa kanyang talent. Ipagdasal na lang natin na the movie delivers sa takilya.

***
Kiko, Akihiro patigasan kay Martin

Ang Born Beautiful naman, isa sa mga hindi pinalad na makapasok sa MMFF is banking on the fact na maalindog at may taglay na pambihirang halina si Martin del Rosario bilang Barbs.

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioSa trailer at posters nito, kitang-kita naman talaga kung gaano siya karikit. At ang mas lalo pang nagparikit kay Martin ay ang katotohanang may dalawang barako, mga katauhan nina Kiko Matos at Akihiro Blanco, nag-aagawan sa mahiwaga niyang cherry blossom.

Sa trailer nito, sang­rekwa ang laplapan ni del Rosario with his leading men. Sino nga kaya ang mas masarap kalaplapan, si Matos o si Blanco? Kanino kaya tumigas ang kanyang mga utong? Sino kaya nagpagalit sa kanyang “inipit?”

Si Matos kaya, isa dalawa, may sasampalin ka pa? Ugatin rin kaya ang makinis nitong palo-palo? Eh si Blanco na very pang Asian novela ang looks, kay bango-bangong tignan para laging amoy bagong ligo? Palaban rin kaya ang kanyang armas sa patigasan at pahabaan?
More than the love triangle, tiyak bibigyang buhay at katarungan ng Born Beautiful ang struggles at triumphs ng mga transsexual, transgender, cross dresser, transwomen and the men who adore them!

***
Ryza parang nagtatagalog ‘pag nagi-ingles

Comedy pareho ang Tol at ang Sikreto ng Piso. Ang alas sa Tol, ang trio nina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Arjo Atayde.

Given na mahuhusay sa pagpapatawa sina Joross at Ketchup. Ang biggest curio­sity of course ng mga manonood ay kung kaya ni Atayde ang maging komedyante. Sa Jack Em Popoy naman kasi, hindi siya nagpatawa. Kontrabida pa rin ang mahusay na aktor at kapatid siya ni Ryza Cenon.

Bothered lang talaga ako ‘pag Ryza speaks the King’s language, parang Filipino pa rin ang binibigkas niya, huh!
If Atayde pulls this one off at nakasabay siya sa natural kakulitan nina Eusebio at Gamboa, hats off ang diva that you love sa binatang malapit kay Mendoza.

Hindi lahat ng mga aktor ay kayang mag-shift from drama to comedy lalo na nga’t karamihan sa mga artista, sinasabing mas madaling magpaiyak kesa magpatawa.

Ang Sikreto Ng Piso naman, ang pinaka-bentahe ay ang real life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen,na bihirang-bihirang magsama sa mga proyekto.

Sa mga lalaking singer­ na umaarte paminsan-minsan, pinakamahusay na talaga si Ariel. At si Gelli, alam naman nating she belongs to that one percent of elite actresses na mahusay na sa drama, pasok na pasok pa sa comedy.

May mga ilan ring gustong makaalam kung may fans nga ba talaga si Bea Binene dahil nga isa siya sa mga bida sa pelikula at kung ang mga amiga sa alta sociedad ni Joyce Peñas Pilarsky, eh magpapa-block scree­ning bilang pagsuporta sa kanilang seasoned beauty queen at fashion­ designer na mars.

***

Robin, Ronnie, Bong pabobongahin ang aksyon

May chance kayang bumongga ulit in a major, major way ang action films nga­yong Bagong Taon? This early ibinabandera na ang tatlong pangma­lakasang action mo­vies, ang biopic na Bato: The General Ronald dela Rosa Story na si Robin Padilla ang bida.

Kung papanoorin niyo ito dear Abante TONITE readers, choice niyo na iyan.

May chikang magbabalik pelikula rin si Bong Revilla sa Alyas Pogi 2019 na very visi­ble sa TV dahil nga may dramatic paid advertisement siya na reunion with the family ang tema. At si Ronnie Ricketts is so back sa Exit Point.

How can this movie go wrong with Jackie Lou Blanco as the pangu­nahing kontra­bida and Ricketts sporting a very FPJ like patilya at talagang mano-mano ang bakbakan at sagupuan.

Ang diva that you love, ito pa lang ang first set of films na naram­daman. Nawa’y wala silang kasabay na mga mega-block buster Hollywood franchises para mas maraming sinehan ang maibigay sa kanila.(Alwin Ignacio)