FAKE na fake ang pagkasosyal at mayaman ni Joseph Marco sa Dolce Amore.
Ang sabi niya nang mapalapit na siya sa karakter ni Liza Soberano, “Om da lakiest men right now, all teynks to you!” Ano ba ‘yun?
***
Sa Opening Ceremonies ng Cinemalaya, nag ala-Isko Moreno naman ang host ng event na si Alex Medina nang ipakilala niya ang Cinemalaya President na si Direk Laurice Guillen nang LAWRIS.
Wala siyang pinagkaiba kay Isko noon na ang tawag kay Claudine Barretto ay CLAWDIN.
***
Unofficial CCP box office results point to Kusina bilang run-away box office winner sa Cinemalaya 2016 kaya magkakaroon ito ng additional screening sa CCP Main Theater sa Sabado, August 13 at 12:45 PM aside from the CCP Main Theater gala on Tuesday Aug. 9 at 6:15 PM and on Friday August 12 at 9:00 PM.
Coming in second ay Pamilya Ordinaryo na magbubukas na rin ng extra screening.
Third placer ang I America starring Bela Padilla.
Fourth ang Tuos nina Nora Aunor & Barbie Forteza.
Wala pang masabing fifth dahil marami pang natitirang ‘di mabentang tickets ang Dagsin nina Lotlot de Leon & Janine Gutierrez at Mercury is Mine ni Pokwang.
***
Nakakakilig ang mga ganap sa telefantasyang Magkaibang Mundo ng GMA, huh?!
Tutulungan ni Pepay (Louise de los Reyes) si Inoy (Juancho Triviño) sa mga bagay na hindi nito alam.
Close na talaga sila, huh?!
***
Ano kaya ang masasabi ni Annabelle Rama sa pagkakasangkot ng kanyang kapatid na si Mike Rama sa operasyon ng illegal na droga?
Masama ang loob ng Pangulong Digong na banggitin ang pangalan niya dahil malapit daw niyang kaibigan si Mike pero ipinakita ng ating Presidente na no one is above the law.
***
Mukhang spaced out si Robi Domingo sa hosting niya sa PBB noong weekend at hindi kinaya ng kanyang high energy ang pagkabaluktot ng dila sa pagsabing, “Sino sa mga celebrity housemates ang mapapatili sa Bahay ni Kuya?”
Talaga, Robi? Mapapatili?