Siyempre, hindi niya aaminin pero ang sowing the seeds of love da moves ni Kris Aquino, ang bunga na gusto niyang makamit, matagumpay na box-office results para sa ‘I Love You, Hater’.

Effort kete effort si Krissy sa pag-abot ng kamay sa lalaking­ dati ay poot at suklam ang kanyang nadarama, ang tatay ni James Yap Jr., si James Yap Sr. Hindi ko na uulitin pa ang sinulat niya bagkus magtatanong na lang ako, sinsero ba talaga ito o calculated na galawan para nga good vibes ang balik pelikula niya kasama ang reel tandem at real life young couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa mga kritiko naman, hindi ko sure kung ang matataray na sina Philbert Dy at Oggs Cruz, mamahalin ang pelikula o they will hate the movie with a capital H kasi wala pa nga silang rebyus.

Ang pagdalo ba ni Attorney Gideon Peña, na mabuting kaibigan at legal counsel ni Aquino, makakatulong ba para mas more chances of winning sa takilya ang comeback ni Kristine Bernadette?
Sa friendship na ito ni Aquino at Peña, hanggang kailan kaya ito magiging professional at platonic? Magiging romantic kaya ito?

Best in paandar kasi ang seemingly identical pull overs na sinuot nila. Hindi pa nga siya couple shirts pero parang papun­ta na dun, huh! Kayo na ba ang may twinning outfits ha, Kris at Gideon? Ayaw paawat sa payanig, ‘di ba naman?

Maraming block screenings ang pelikula, sigurado iyan. Sinimulan na nga ni Krissy.

Ayon sa tsika, almost P5.5M day ang kinita nito nu’ng first day. At mas bongga sana ang word of mouth tungkol sa ‘I Love You, Hater’ para walang magdududa sa take home nito sa takilya.

BiGuel pinatay ng selos ang relasyon

Hiwalay na raw ang dekolor at puti nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Selos nga ba ang pumatay sa kanilang relas­yon? May relasyon ba talaga to begin with eh wala pa naman silang inaamin?

Paano magkakahiwalay ang dalawang kahit kailan eh hindi nagpaka-totoo?

Prangkahan na, haya­an na lang natin sina Miguel at Bianca sa kanilang relasyon kung may relasyon nga ba sila. Sila-sila rin lang naman ang naniniwala na nararamdaman pa sila sa showbizlandia.

Juice colored! Maski nga sa minore tambalan nina Ellise Joson at McCoy de Leon, Iñigo Pascual at Maris Rascal, itodo pa natin, isama pa natin sa equation sina Kakai Bautista at Ahron Villena, no way near ang BiGuel sa mga tamba­lang aking isinulat.

Hindi nga sila maru­nong lumibang sa balana at dabarkads, asa pa sila na ang madlang pipol, malilibang nila?
Kung hiwalay na nga sila, good! Move on na, agad-agad!