JoshLia, papantay sa KathNiel at LizQuen

Joshua Garcia at Julia Barretto

BULLISH with a capital B ngayon ang Pinoy films. Maganda at mainam ang mga ganitong katotohanan para sa mga taong nasa industriya ng pelikula.

Nagsimula sa Kita Kita, sumunod ang 100 Tula Para Kay Stella.

Ngayon naman, ayon sa kanilang official pra­lala, ang Love You To The Stars And Back, waging-wagi rin sa box-office with a whooping P60M box office gross as of this writing.
Talagang good luck comes in three’s?

Mukhang maipapasa­ na sa mga hanay of big league love teams ang tambalan nina ­Joshua Garcia at Julia Barretto, huh?!

Pangalawang pelikula pa lang nila ito at naka­kabilib ang might of their tandem.

Bakit kaya minahal ang pelikula? ­Maganda kasi ang pelikula at ang nagpatotoo nito, two esteemed film ­reviewers, sina Sir Mario Bautista­ at Philbert Dy wrote positively about the ­Antoinette Jadaone ­motion picture.

Best film work daw ito ni Jadaone.

Panalo ang word of mouth nito at ang pinakamalaking bentahe nito, parehong mahusay umarte sina Josh at Julia.

In time, I hope the ­audiences see that Garcia is not just another John Lloyd Cruz.
May pananalig akong flattered ang binatang Garcia to be compared to Lloydie.

In time, may the public appreciate him for his own merits. Sa totoo lang, nu’ng nagsisi­mula si Cruz sa Tabing Ilog, he was no way near sa ­galing na ipinamamalas ni ­Garcia sa kasalukuyan.

As for the pretty and young Barretto, with this box-office triumph, tila burado na ang “brati­nella” image niya.

Malaking tulong ang pagiging mahusay niya as Chloe sa A Love To Last kaya ­hindi na kataka-­taka na people became more curious about her and what she can offer more pa sa kanilang road trip movie ni ­Joshua.

Are the twosome coosome already a romantic pair?

If they are, walang masama basta hindi nila nakakalimutan ang kanilang career priorities at responsibilities.

In this millennial age, mas mainam na tapat lagi sa mga tagahanga at sumu­suporta.

Nakakabagot na ang mga sagot na “what you see is what you get again” at mas nakaka­pagdabog ng bangs ang mga aria na “we are just friends” o kaya “we are less than lovers but more than friends.”

Please, tantanan na ang ganyang mga hanash.

Halos lahat ng major love teams ngayon, nagpakatotoo na tungkol sa state of their romantic r­elationship, maski itanong n’yo pa sa co-habiters na sina James Reid at Nadine Lustre.

With this success, nawa’y ang tambalan nina Joshua Garcia at ­Julia Barretto will reach the popularity of Kath­Niel and LizQuen.

They have what it takes to become a major love team force.