Pinag-uusapan muli ang ex-couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Trending ang mga larawan nila sa Twitter dahil sa kanilang ka-sweet-an.
May isang larawan pa na nakapulupot ang kamay ni Julia sa baywang ni Joshua. Nagwawala tuloy sa kilig ang mga fan na umaasang “comeback is real” na para sa kanilang iniidolo.
Nakakapagtaka, parang kelan lang ay nag-iisnaban sa kanilang promo ng pelikula sa Enchanted Kingdom. Nagka-unfollow-an pa sila sa Instagram at ngayon ay parang walang nangyari.
Panibagong pakulo na naman kaya ito para sa kapakanan ng JoshLia fan. Hindi rin kasi naging maganda ang feedback ng mga tao sa tsikang hindi nagpansinan.
Ayon sa reliable source, para sa mga fan lamang ang palabas nila. Mas may kilig pa rin daw ang namuong tambalan ni Joshua at ng kanyang co-star sa “The Killer Bride” na si Janella Salvador. (Rona Ronda)