Joshua ang lakas maka-AlDub

Ang lakas maka-AlDub nu’ng sagot ni Joshua Garcia na, “Sa tamang panahon,” nang i-on the spot siya ni Kris Aquino sa presscon ng ‘I Love You, Hater’ kung girlfriend na ba niya si Julia Barretto.

Hindi namin ma-gets kung bakit may mga ganu’n pang pakiyeme ang JoshLia kahit obvious namang matagal na silang may relasyon.

Maging si Julia ay nagpakyut din at hindi sumagot nang tanungin kung sila na. Pero swit na swit ang dalawa sa presscon na nagya­yakapan at panay ang hawak sa isa’t isa.

On the spot din na pinagpramis ni Kris si Joshua na magiging faithful na ito kay Julia.

Kahit medyo awkward ay sumunod siyempre si Joshua at sabi nito, “Baba, I’m sorry kung nagkaroon ng mistake. But I pro­mise to be a better man for you, for us,” na ikinakilig hindi lang ni Julia kundi maging ni Kris.

Sa tanong kung sinong tao ang ni-hate ni Julia pero ni-love pa rin niya ay natatawang iti­nuro ng dalaga si Joshua, na aminadong may nagawang pagkakamali sa kanya.

Sey ni Julia, hate niya ang ginawa ni Joshua pero hindi nadadaig nu’n ‘yung love na nararamdaman niya para rito.

Actually, kita mo naman sa dalawa kung gaano sila kainlabey sa isa’t isa, so sana ay wala na silang mga ganu’n paeklay ‘pag tinatanong sila tungkol sa totoong relasyon nila.

In fairness ay cute ang trailer ng ‘I Love You, Hater’ lalo na si Joshua na nakakatuwa ang pagbabading-ba­dingan.

Kristeta nagpaandar sa presscon

Halatang pinaghandaan ni Kris Aquino ang presscon ng ‘I Love You, Hater’. Alam na alam niya kung anong mga isasagot niya na ikatutuwa ng showbiz press.

Kita mong feel na feel niya ang mga pinagsasasabi niya at na-miss niyang mag-presscon ng ganu’n kaya talagang nagpaandar siya.

Tila sinadya niya talagang magpabongga para makasigurong kukunin ulit siya ng Star Cinema.

Kris mas bet maging jowa si Alden

Hindi na bago ‘yung sagot ni Kris Aquino na crush niya si Alden Richards, pero tiyak na ikaka-touch na naman ng Kapuso actor ang pag-namedrop ni Kris sa pa­ngalan nito sa presscon ng JoshLia movie.

Sa tanong kung posible rin bang mainlab si Kris kay Joshua kung kaedad siya ni Julia, panay ang sorry ni Kris sa sagot nito na si Alden ang pipiliin niyang kainlaban.

Tumatawa lang si Joshua kahit ang awkward ng dating na isang Kapuso ang binabanggit ni Kris habang nasa presscon sila ng Star Cinema movie na mga Kapamilya ang bida.

Ang kiyemeng dahilan ni Kris, ang kay Julia ay kay Julia na, so du’n daw siya kay Alden na libre pa.

Papalakpak ulit ang tenga ng Pambansang Bae kapag narinig nito ‘yung sinabi ni Kris na bumilib siya kay Alden at galing na galing siya rito nang mapanood niya ang ‘Alaala: A Martial Law Special’ nito, na binigyan daw siya ng kopya ni Direk Adolf Alix, Jr.

Pa-girl pang dagdag ni Kris, weakness niya rin kasi talaga ang dimples kaya raw bet niya si Alden.

Isa pa ay ang kinis daw nito at feeling niya ay kasingkinis niya ito. Bukod doon ay nakikita niyang mabait ito sa pamilya.

“He’s just really cute. As babaw as that. He is cute!” pakyut pang da­yalog ni Kris patungkol kay Alden.