MAGPAPASIKLABAN sa huling pagkakataon ang tatlong young artists na iniluklok ng bayan na makatuntong sa Grand Finals ng The Voice Kids Season 3 ngayong Sabado at Linggo (Agosto 27 at 28).
Humanda sa makatindig-balahibong performances nina Joshua Oliveros (pambato ni Lea Salonga), Antonetthe Tismo (pambato ni Sharon Cuneta) at Justin Alva (pambato ni Bamboo).
Abangan din ang kanilang performances kasama ang kanilang coaches, isang upbeat performance, at isang power ballad.
Tiwala ang coaches sa galing at talento ng kanilang mga pambato at lubos na excited sa bakbakan ngayong weekend.
“Congratulations sa remaining young artists. Pinabilib nila ang kanilang teams at ang kanilang mga pamilya,” sabi ni Bamboo.
“Hindi mo alam kung sino pipiliin ng mga manonood. All we have to do is continue our focus and hope for the best,” sambit ni Lea Salonga na naniniwalang sa kanyang team manggagaling ang susunod na Grand Champion.
Kinakabahan si Sharon Cuneta sa finals pero tiwala itong hindi siya bibiguin ng kanyang pambato.

“Kinakabahan ako, kasi, siya lang ang babae pero siguradong magbibigay siya ng kakaibang performance,” masayang lahad ng Mega Star.
Bukod sa nakabibilib na performances, tumutok sa live chat kasama sina Kim Chiu at Robi Domingo.
Mag-log on sa TheVoice.abs-cbn.com/chat para sa exclusive happenings habang nagaganap ang Live Finals.
Ito na kaya ang panahon nina Lea at Sharon upang makuha ang kanilang unang kampeonato?
Magmula pa rin kaya sa Team Bamboo ang susunod na magiging kampeon?
Sino ang susunod sa mga yapak nina Lyca Gairanod at Elha Nympha na tatanghaling “The Voice Kids” Grand Champion?

kay Antonetthe
Ang mananalong young artist ay pagkakalooban ng recording contract sa MCA Music at mag-uuwi ng house & lot mula sa Camella, at fashion package, P1M cash at P1M worth of trust fund mula sa H&M.
Huwag palampasin ang The Voice Kids Grand Finals mamayang 7:15 PM at bukas nang 7:00 PM sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Panoorin nang libre ang latest episodes ng palabas sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
Bumisita si Sharon sa bahay ni Antonetthe at nag-post siya ng mga litrato.

“Actually, hindi ‘bahay,’ kundi tinitirahan nila ng mga magulang niya at tatlong kapatid sa ilalim ng tulay…) in Tambo, Parañaque,” post ni Sharon sa social media.
“Dito po siya nakatira, sa papasukan na ito.
“She never asked me for anything, when sanay at nalulungkot na ako sa ibang tao na makita pa lang ako, parang kung paano pagsasamantalahan ang kabutihan ko na agad ang iniisip.
“Please vote for Antonetthe and please ask your family and friends to vote for her, too (ANTONET send to 2366) on TVK3 Grand Finals this coming Saturday and Sunday na po.
“I pray na manalo si Antonetthe para magkabahay na sila at magkaroon ng pagkakataon na umangat ang kabuhayan nilang pamilya.
“And she’s really a GREAT SINGER who I really feel deserves to win, kahit na magagaling naman silang lahat.
“Thank you so much! God bless!”
Antonetthe of TeamTALA
Go! Go! Justin! You are my bet. Pero kahit sino ang win, desrving.