Marami ang kinikilig sa sobrang lambingan ng magkasintahang Joshua Garcia at Julia Barretto.

Minsan ay napagbibinta­ngan pa silang grabeng mag-PDA (Public Display of Affection).

Sa celebration ng 22nd birthday ni Julia ay hindi raw mapaghiwalay ang dalawa. Makikitang magkayakap na sumasayaw ang dalawa ng “Your Universe.”

Mahigpit din ang yakapan nila nang dumating ang aktor sa event.

Nandiyang haranahin din ni Joshua si Julia.

Lalangamin talaga ang couple sa sobrang ka-sweetan

Pinag-iingat naman ng netizen ang dalawa na ‘wag makalimot. Pinapaalalahanan din sila na ‘wag maging mapusok. ‘Wag daw magpapabuntis agad si Julia para sa magandang career ng JoshLia.