Joshua na-trauma kay Julia

Single man si Joshua Garcia ay hindi naman malamig ang Pasko niya. Masaya ang Kapamilya aktor sa pagmamahal na nakukuha mula sa mga kaibigan.

Inamin ng aktor sa thanksgiving party ng primetime serye na “The Killer Bride”. Maraming nagbago nang maging single siya.

Aniya, “Katulad nga ng sabi ko, ang dami kong naging bagong kaibigan, mas naging open ako sa lahat, kumbaga medyo unti-unti nao-overcome ko ‘yung pagiging introvert ko.”

Sa estado ng kanyang puso ngayon, hindi pa umano siya handa na pagsabayin ang trabaho at ang love life. Tulog is life ang aktor kaya hindi umano niya ma-handle ang kanyang oras.

Wala rin sa kanyang plano ang makipag-date.

Aniya, “Sa ngayon hindi po, eh halos kakatapos-tapos lang din nu’ng last ko eh. Mas nakita ko nang malinaw ‘yung mundo ngayon, mas lumuwag, mas open ako sa lahat.”

May kinalaman kaya ang last love ni Joshua na si Julia Barretto kaya ayaw niya muling pumasok sa relasyon?

Na-trauma ba siya?

Sey niya, “Hindi naman po, hindi naman. Siguro nagpo-focus lang ako sa binibigay na opportunity sa akin. Ang tagal ko na rin sa showbiz, mga 6 years na rin ako mahigit. Ayoko naman na sayangin.”

Loveless man, sapat na sa young actor na maging inspirasyon ang pamilya. Masaya si Joshua sa sunod-sunod na proyektong natatanggap niya, dahil sa darating na 2020 ay may bago siyang pagbibidahan.

Sa ngayon ay abala siya sa teleserye na “The Killer Bride” kasama sina Maja Salvador, Janella Salvador at Alexa Ilacad.

Samantala, mas marami pang karumal-dumal at kontrobersyal na krimen sa Las Espadas ang mauungkat dahil napapanood na ngayon ang extended version ng serye na “The Killer Bride: Killer Cuts” sa iWant. (Rona Ronda)