GRAND champion ng ikatlong season ng The Voice Kids ang 11 y/o na si Joshua Oliveros mula Antique.
Napaluhod si Joshua at ang coach niyang si Lea Salonga nang tawagin ang pangalan niya bilang nagwagi sa grand finals.
“Masaya po ako dahil ako po ang nakatanggap ng bahay at pera at trophy po,” pahayag ng tinaguriang “Hopeful Son ng Antique.”
“Malaking tulong po ito sa amin para matulungan ko po ang pamilya ko. Sobrang tuwa ko po kaya po napaluhod ako.” Bilang ang pinakabagong The Voice Kids grand champion, nag-uwi si Joshua ng P1M, fashion package at trust fund na nagkakahalagang P1M mula H&M, two-year recording contract mula sa MCA Music, business package mula Siomai House, at house & lot mula Camella Homes.
***
Si coach Lea ang tanging coach na umikot para kay Joshua sa blind audition nito.
Ayon sa Broadway Diva, naging disiplinado si Joshua sa buong takbo ng kumpetisyon.
“You don’t have to worry about this boy, because he listens, he delivers, he’s wonderful,” sey ni Lea.
“He digests the music before it comes out of his mouth. Talagang nakikinig sa rehearsals, very focused.
“To everybody who voted for this young man, thank you. Sa lahat ng mga sumuporta, sa buong province ng Antique, maraming salamat.
“We have worked so hard to make this happen. It’s crazy. This is incredible.
“I’m so happy for this young man.”
***
Maging si Sharon Cuneta ay todo bati kay Joshua sa social media.
Post ni Mega, “Congratulations, JOSHUA!!! The new TVK Grand Champion!
“Maraming salamat po sa inyong lahat who voted for and supported Antonetthe from the very beginning.
“Siguro po ikatutuwa ninyo na ang balita ko po ay natalo po siya by only about 2%.
“Congrats pa rin to Team Sharon! Thank you from the bottom of our hearts!”
***
Makakasama ni Joshua ang iba pang young artists sa special show na Meron Akong Kwento: Ang Himig ng Buhay Ko ngayong Martes sa Resorts World Manila Newport Performing Arts Theater.
Guests dito ang Aegis, Jaya, Jessa Zaragoza, Jovit Baldivino, Dominador “Daddy D” Alviola Jr. at Bugoy Drilon.