Josie darling of the sea

Kung pagiging “Queen of Surfer” sa isla ng Siargao ang pag-uusapan, dapat mapunta ang titulo kay Josie Prendergast.

Bago pa man sumulpot sa isla sina Andi Eigenmann, Rachel Peters at ang pinaka-latest ay si Katarina Rodriguez, pinag-uusapan na ang pangalan ni Josie.

Naging mabango na ang pangalan nito mula pa nang maispatan siya ng mga guest-visitor sa Siargao, at kunan ng larawan habang naglalaro sa alon ng dagat sakay ng surfboard.

Hindi lang ang pagiging suwabe nitong magbalanse sa alon ng tubig ang kinabaliwan ng mga male swimmers sa kanya, kundi maging ang kanyang alindog at kaseksihan.

Kitang-kita naman sa porma ni Josie ang tindig at poise niya sa ibabaw ng surfboard. Animo’y isang reyna na ipinaparada ng alon.

“Idol”, “Hot Babe”, “Surf Beauty.” Mga bansag kay Josie ng mga nakakakita sa kanyang naglalaro sa tubig at may kasek- sihang walang kapantay.

Kung ihahanay mo sa ibang mga bikini beauty sa Siargao si Josie, lulutang ang kanyang kagandahan.

Sa kabuuang ganda, maitutu-ring na “Darling of the Sea” si Josie.

Kaya nga hanggang ngayon, balitang hindi pa rin binibitawan ni Zanjoe Marudo ang koneksyon nito sa dalaga dahil sa angkin nitong alindog. (Rey Pumaloy)