Josie hayop gumiling

NI: Rey Pumaloy

Parang anghel na nagpapakasaya sa paraiso ang rumored girlfriend ni Zanjoe Marudo na si Josie Prendergast. Patuloy siya sa paglulunoy sa dagat ng Siargao.

Habang nakakulong ang mga bikini babes sa kani-kanilang mga tahanan sa Maynila, lantad naman ang alindog ng model-surfer.

Mala-Diyosa sa kagandahan ang nakaposteng larawan ni Josie sa Instagram wall . Idinuduyan siya ng mga alon sa dagat sakay ng kanyang surf board.

Ang mga celebrities na walang habas kung maghubad sa socmed, ngayon ay tila sardinas na hindi makalabas sa kanilang lungga. Ito’y dahil sa banta ng COVID-19.

Si Josie ay larawan ng isang anghel na nagbibigay pag-asa sa mga hubadera .

Ang ibang aktres, panay ang work out sa kani-kanilang bahay. Gusto nilang mapanatili ang kanilang pigura.

Pero si Josie surfing lang at giling sa mga alon ang kanyang routine para mapanatili ang kanyang kaseksihan.

Bagamat lantad ang magandang hubog nito, karespe-respeto ang imahe ng dalaga. (Rey Pumaloy)