Taob kay QC Mayoralty bet QC Vice Mayor Joy Belmonte ang katunggali nito sa puwesto na si QC First District Rep. Vincent Crisologo sa pagka-mayor sa Quezon City.
Ito ay makaraang makakuha si Belmonte ng 72 percent na boto na malayong-malayo sa 18 percent na boto na nakuha ni Crisologo.
Sa pinakahuling survey na ginawa ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD Inc.), si Belmonte ang top choice ng mga taga-QC na maging susunod na alkalde ng lunsod dahil sa malaking kalamangan ni Belmonte sa katunggali nito.
Ang survey ay naisagawa noong February 1 hanggang 10 mula sa 2,500 respondent na tinanong kung sino ang nais na mamumo sa lungsod.
Sa mga natanong, nagsabi na mas gusto nila ang mas batang lingkod bayan na may sapat na kakayahan at galing sa pamamahala sa lokalidad na tulad ni Belmonte.
“I’m very thankful to God and to our constituents for this positive response. We have a long way to go, but I am confident that my call for better governance and inclusive development will be heard loud and clear,” pahayag ni Belmonte.
Para sa vice mayor’s position, nakakuha si Councilor Gian Sotto ng 42 percent na ungos kay Jopet Sison na nakakuha ng 15 percent at Roderick Paulate 13 percent.
Bago naganap itong survey, nailampaso din ni Belmonte si Crisologo sa ginawang survey na kinomisyon ng PUBLiCUS Asia Inc. noong November 16-20 may bilang na 1,800 registered voter sa kabuuan ng Metro Manila kung saan nakakuha si Belmonte ng 59 percent na malaking lamang kung ikukumpara sa 17 percent ni Crisologo.