Carla, nakiusap para sa mga hayop

Camille, game sa mga trip ng anak

EXCITING ang balik-tambalan sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa GMA afternoon series na Anything For You.

Mature roles na ang gagampanan nila.

“Sobrang iba ‘yung role ko sa soap na ito,” sey ni Joyce.

“Ako po, personally, sobrang love ko ‘yung cha­racter namin ni Kristoffer kasi hindi siya ‘yung ty­pical na bida na sobrang bait, na hindi lumalaban.

“Yung role namin is palaban at saka rebelde. Tapos, as the story goes, doon mo siya mamahalin as you get to know her.”

***

It seems like nagkaka-developan na ang on-screen loveteam ng Encantadia na sina Rocco Nacino at Sanya Lopez.

Kahit sa Twitter ay nararamdaman ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Pinuna ni Sanya na nag-topless si Rocco sa isang performance nito sa katatapos lang na Oh, Boy concert.

Kahit si Mikee Quintos, na gumaganap bilang Mira sa nasabing GMA telefantasya, inasar na ang dalawa dahil sa online ka-sweetan ng mga ito.

***

Carla Abellana
Carla Abellana

Ilang karumal-dumal na posts ang ibinahagi ni Carla Abellana recently sa Instagram na nagpapakita ng animal cruelty.

Andiyan ang pananakit ng mga aso, pagbabalat ng carabao na buhay, pagsubo ng palupok sa baba ng kagwang at ang pagtapon sa basurahan ng kasisilang na mga pusa.

Sabi ng Ismol Fami­ly actress sa caption, “Maawa naman kayo sa mga hayop. Hindi porke’t mas angat tayo sa kanila eh pwede natin silang saktan kung gusto natin.

“Kahit pa anong nagawa nila, maraming paraan para disiplinahin sila ng tama, o ‘di kaya maiwasan maulit kung may nagawa man silang hindi maganda.

“Kung matindi ang galit ninyo sa mga hayop o kaya sa mundo, bakit kailangan ninyo silang saktan hanggang sa halos mamatay o ‘di kaya tuluyan na talaga silang mamatay?

“Ibig niyo bang sabihin nakakakuha kayo ng pansamantalang ginhawa sa ganitong paraan na pananakit ng mga hayop? #notoanimalcruelty #yestoanimalresponsibility”

***

Nakakatuwa ang bonding ni Camille Prats at ng kanyang 8 y/o son na si Nathaniel.

Super game ang aktres sa mga trip ng kanyang anak.

Just recently, para ma-encourage si Natha­niel na mag-review para sa kanyang exam sa school, tinanggap ni Camille ang hamon ng kanyang anak na mag-fetty wap challenge sila.

Ayon sa Instagram post ng MARS host, “Promised @tatanlittleman that I’ll do the #fettywapchallenge with him after we review.

“Sabi nga nila, time will come when you’ll prefer to do other things rather than hangout with me, so now that you still do, I’ll do all sorts of crazy with you.”

***

Bida si Kim Rodriguez sa epi­sode ng Karelasyon sa Sabado (October 1) bilang Jenny, isang dalagang nais makawala sa mala-impiyernong tahanan at mala-demonyong mga magulang. Ang kanyang ama at live-in partner nito, kapwa lulong sa droga.

Minolestiya si Jenny ng iba’t ibang lalaki bilang BONUS sa mga transaksyon ng droga ng kanyang ama…

Tampok din sa kuwentong ito sina Juancho Triviño, Antonio Aquitania, Ana Capri at Lucho Ayala.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Carla Abellana tuwing Sabado, pagkatapos ng #Like sa “Sabado 4D Win” ng GMA.