JoyRide basura, Angkas pa rin!

Samu’t saring aberya ang nilahad ng mga customer ng bagong ride-hailing service na JoyRide.

Karamihan sa mga reklamo ay hindi ma-locate ang pick-up at drop-off point, matagal na pag-book ng mga rider, at mas mataas na singil kumpara umano sa Angkas.

Sa tweet ni netizen @yssa_cae, makikita ang ilang screenshot ng komento ng mga sumubok ng app.

Kahapon ng alas-5:55 nang hapon, Disyembre 26, 2019, 1.9 ang ave­rage rating ng app sa Play Store.

Mapapansin din na mas maraming ‘1’ o pinakamababang ra­ting ang JoyRide kumpara sa ‘4’ o ‘5’ na rating.

Ayon pa rin sa reaksyon ni Ken Ramirez: “This app is trash. Better stick with Angkas. Cant find a driver. Not user friendly. Bad UI and UX.”

Sinabi nama ni Rence Bryan Villamarin: “Walang kwentang app, ‘di maayos ang pag-pin ng location, ‘di naglo-load mga sine-search na places. Updated na ‘yung app, nagre-request pa ulit ng update.”

Napamura naman si Freidrich Bernaldez: “P*tangina amb*bo! Unang-una ikaw pipili mano-mano walang silbi type location. Pa­ngalawa pag namali ka kasi b*bo sila kahit 2 meters within the location na walang reference umpisa ka ulit. Pangatlo p*tang ina b*bo n’yo sobra pati pick-up ko 2kms layo sa actual.”

Joshua Baylon: “Tagal mag-book. Ang mahal pa ng rates.”

Sinabi naman ni P. Martinez: “‘Di makalog in through email. ‘Di maka-manual pin. Taas ng fare. Panget ng UI. Walang kwenta. Try n’yo na lang Angkas, guys.”

Naging trending kamakailan ang JoyRide dahil sa ilang perso­nalidad na todo kung mag-promote dito, gaya nina PDP-Laban Quezon City Secretary General Edwin Dayrit Rodriguez at PDP-Laban members Quezon City 1st District Rep. Onyx Crisologo at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor. (Shane Dela Cruz)