JRU, MAPUA NANG-UPSET

Nilundag ni Jeo Ambohot ng Letran Knights si Allwell Oraeme ng Mapua para agawin ang bola sa aksiyon kahapon sa NCAA Season 92 men’s ­basketball tournament sa San Juan Arena. (Patrick Adalin)

Team Standings W L
San Beda  8 1
Arellano U  7 2
Perpetual Help 7 2
Mapua 6 3
Letran  5 4
LPU 4 5
Jose Rizal 4 5
EAC 3 6
San Sebastian 1 8
St. Benilde 0 9

Itinumba ng Jose Rizal at Mapua ang dalawang koponang nagharap sa finals nakaraang season upang pagandahin ang kanilang baraha sa pagtatapos ng first round elimi­nations ng 92nd NCAA senior basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Niyanig ng Heavy Bombers ang last year’s runner-up San Beda College Red Lions, 79-73, habang tinuhog ng Cardinals ang defending champion Letran Knights, 79-75, sa pangalawang laro.

Bumomba ng season-high-tying 27-point performance si Paolo Pontejos para itarak ang 4-5 baraha ng JRU at biguin ang target ng Red Lion­s na nine-game sweep sa first round.

Walong puntos ang tinikada ni Pontejos sa fourth upang habulin ang 13 point-lead ng Red Lions, 47-63, sa pagtatapos ng third period.

Wala nang dalawang minuto sa payoff ­period ng pumektus si Pontejos para lang malibre ang kakamping si Teytey Teo­doro sa three-point area, resulta — swak ang tres.

“He responded to the challenge,” sabi ni Jose Rizal coach Vergel Mene­ses kay Pontejos.

Namuwersa ng 28 points si Donald Tankoua habang bumakas si Fil-Am Davon Potts ng 11 puntos, pero hindi sumapat para itaguyod sa panalo ang San Beda na may 8-1 card.

Samantala, nagtulong sina reigning Rookie-MVP Allwell Oraeme, Joseph Eriobu at Darell Menina sa opensa para manatili sa fourth spot ng team standings ang Cardinals tangan ang 6-3 win-loss slate at ilaglag sa pang-lima ang Knights bitbit ang 5-4 baraha.

Nagtala si Oraeme ng 20 markers habang kumana sina Eriobu at Menina ng tig 19 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod.

Bumanat si Bong Quinto ng 20 puntos para sa Letran.

Iskor:
MAPUA 79 — Oraeme 20, Eriobu 19, Menina 17, Isit 9, Orquina 4, Biteng 3, Victoria 3, Estrella 2, Serrano 2, Raflores 0

LETRAN 75 — Quinto 20, Sollano 16, Nambatac 13, Calvo 9, Balanza 8, Luib 7, Ambohot 2, Apreku 0, Bernabe 0

QUARTERSCORES: 19-22, 38-42, 54-58, 79-75