JTC Kaingin Big Event larga sa May 3 — Cruz

Matinding LGBA 7-bullstag derby sa Marso 1 na— Crisostomo

Makaraan ang 3 linggong tengga, babalik ang sigla sa Pasay City Cockpit sa paglarga sa Mayo 3 ng “JTC Kaingin Big Event 6-Cock Derby” na tinatayang may higit 100 mga sultada.

Nag-solong kampeon sa nilarga sa Pasay Cockpit na LGBA Encuentro 5-Bullstag Derby noong Apr. 12 na may 115 sultada, si Hermie Pagtalunan ng Franzopia para mahirang na2019 LGBA Cocker of the Year.

Ang kilalang miyembro ng National Cockers Alliance (NCA) at lumalaban 2019 World Pitmasters Cup 2 na si Jojo Cruz ng Bulacan, ang derby host katuwang ang Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Nanawagan din si Cruz nitong Linggo, na ang submission ng entries ng 1.9 kgs. hanggang 2.45 kgs na mga tinale ay sa Huwebes, May 2.

Pila rin sa PCC ang Jerald and Erica 4-Cock Derby sa Mayo 10, Ace and Friends 4-Cock Derby sa Mayo 17, at Luzon Breeders Cup 9-Stag Derby set A sa Hulyo 12, 19, 22 at 26.

Tawagan lamang para sa iba pang mga detalye sina Erica at Ace sa 0945-4917474, 0939–4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)