Juan GDL hinamon si Thirdy sa dakdakan!

Kakasa kaya si ‘King Eagle’ sa hamon ng UP Fighting Maroons star?

Sa Instagram story ni Juan Gerardo Gomez de Liano kahapon, buong tapang niyag kinasa ang challenge kay Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III para lababan siya sa isang dunk contest.

“I just wanna challenge Thirdy Ravena on a dunk challenge,” paghamon ni Juan GDL. “Let’s go bro!”

Wala pang sagot ang Ateneo graduate, na kapansin-pansin sa kanyang Instagram feed na burado na ang lahat ng post.

Magkasama sa Gilas training pool ang dalawang former UAAP star kung saan free agent na si Thirdy habang naghahanda sa next season ng MPBL si Juan, iniwan muna ang Peyups. (Raymark Patriarca)