Juancho, bilib sa pagiging independent ni Louise

louise-juancho

MAS malalim na ang friendship ng Magkaibang Mundo lead stars na sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino matapos ang halos ilang buwan nilang pagsasama sa set.

Mas marami pa silang naging discovery tungkol sa ugali ng bawa’t isa.

Para sa Kapuso hunk, isang pag-uugali ng on-screen partner ang nangi­ngibabaw  ang pagiging independent..

“One thing I like about her is that she is very independent,” sey ni Juancho.

“Example, hindi siya nagdadala ng PA. Ako nga, lalake ako, hindi ko masyado kailangan ng PA pero may PA ako, kasi, syempre may mga aasikasuhin ako and stuff.

“Si Louise, wala. Wala ta­laga. Kaya nakakabilib,” saad ni Juancho.