JuanChoyce engaged na

Finally, engaged na ang aktor na si Juancho Trivino sa Kapuso host na si Joyce Pring. Nag-propose ang aktor sa birthday trip ng ina ni Joyce sa Boracay.

Mahigit 3 buwan na pala silang engaged pero itinago muna nila ito sa publiko. Nag-post si Joyce sa kanyang Instagram at dito niya inanunsiyo ang magandang balita.

Aniya, “Been enjoying the privacy of our engagement for a while now… but finally decided to share the good news with all of you: God’s faithfulness in full fruition in our lives, intertwined.

“Last August 3, 2019, Juancho proposed in Boracay during my mom’s birthday trip. He flew our family, and closest friends, and surprised me with the sweetest pakulo, out of all the pakulos he’s ever pulled.”

Halos hindi pa rin makapaniwala ang host na ikakasal na sila ni Juancho. Ilang buwan man ang nakakalipas ay palagi pa rin niyang naalala ang memorable proposal ng fiancé niya sa Boracay.

Kuwento niya, “Although we had been praying about this decision for a couple of weeks, and even attended pre-marital counselling in church (more kwento soon), I was still so shocked and started UGLY CRYING on the beach when he kneeled and took my hand and asked me to be his wife.”

Sa ngayon ay nagpaplano na sila para sa kasal. Lumipad pa siya ng New York para lang sa fitting ng kanyang wedding dress. Hindi naman binanggit ni Joyce kung kailan ang petsa ng kasal. (Rona Ronda)