Juday at Angelica,‘NATULALA’ kay Steven Seagal

MASUWERTE para kina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ang production meeting na ginawa nila sa isang restaurant para sa pelikulang gagawin nila.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nasa restoran kasing ‘yon din ang Hollywood actor na si Steven Seagal. Parehong natulala sina Juday at Angelica nu’ng makaharap ang Hollywood actor.

Naka-post sa kani-kanilang Instagram ang group shot nila ng buong production team at ni Steven.

“Akalain mo nga naman…parang joke yung nasa isang restaurant kami ni Steven Seagal! Ang talas ng mata nitong si Joross e! Buti na lang!” sabi ni Juday.

Nag-post din si Angelica ng parehong photo nila with Seagal habang nakatayo siya sa likod ng aktor.

“Nakita namin si Steven Seagal, habang may bonding/workshop kami eh. Di ko alam kung bakit ako tuwang-tuwa. #AngDalawangMisisReyesMeetsStevenSeagal,” sey naman ni Angelica.

“Woooohhhh! Alam ko kung bakit?” sabi ni Juday.

“Bakit ba? nadala lang ako sa excitement mo e!” sagot naman ni Angelica.