Juday ‘Angrydobo’ queen

Sa wakas ay magkaka-restaurant na si Judy Ann Santos na kilala rin sa pagiging chef.

Very personal kay Juday at sa mister niyang si Ryan Agoncillo ang itatayo nilang resto na magbubukas sa May dahil mula ito sa sariling version ni Juday ng adobo na tinawag niyang ‘angrydobo’ (pinagsamang ‘angry’ at ‘adobo’).

Ang kuwento nito ay magkasintahan pa lang sila mga 14 years ago nang magkaroon sila ng petty argument habang nasa Amerika sila.

Si Ryan ang bumili ng ingredients ng adobo, tapos ay diretso ito sa pagtulog nang hindi sila nagkikibuan na magsyota.

Paggising niya ay super-cook pa rin ng adobo si Juday na mukhang hindi natulog, tapos ay binigyan siya nito ng isang bowl ng adobo saka siya iniwan sa kusina at ito naman ang natulog.

Doon ipinanganak ang ‘angrydobo’ na ngayon ay magiging resto na sa may Taft Avenue, malapit sa La Salle, kung saan may franchise din ang mag-asawa ng Army Navy.

Bukod sa pork at chicken ay meron ding angrydobo sardines para sa hindi nagmi-meat. May dessert din na champsicle o champorado popsicle.

Ang tsika sa amin ng kaibigang Noel Ferrer (manager ni Ryan), na nandu’n sa pa-tasting event, ay masarap, nakakabusog at value for money ‘yung set meal ng Angrydobo.

Naalala namin na madalas naming kantiyawan noon si Juday na magtayo na siya ng sarili niyang restaurant, pero ang lagi niyang sinasabi ay takot daw siya na baka hindi magustuhan ng mga tao ang menu niya, tapos ay pipintas-pintasan ang luto niya.

Mukhang nawala na ang worry niya na ‘yon at nagkaroon na siya ng lakas ng loob na sumugal sa food business, sa tulong na rin at tiwala ng mister niyang si Ryan.

So ayun, bukod sa pagiging Queen of Pinoy Teleserye ay mukhang nagbabadya ring mabansagan si Juday bilang Adobo Queen!

Ha! Ha! Ha! PAK!!

Gwen muntik ikasal kay Jeremy, preggy sa ibang lalaki

Ang bilis ng mga ganap sa magsyotang Gwen Zamora at David Semerad, na kailan lang na­ging mag-on ay magkaka-baby na agad dahil preggers na si Gwen.

Kalerky, parang kailan lang nu’ng makasama namin sa isang lunch si Gwen at ang ex-boyfriend niyang si Jeremy Marquez at nag-iimbita sila ng mga kukunin nilang ninong at ninang para sa pinaplano nilang kasal.

Hindi natuloy ang planned wedding nila na ‘yon at nanatili lang itong plano, sa hindi namin alam na kadahilanan.

Nag-Iceland pa sina Gwen & Jeremy at halos i-manage na ni Je ang showbiz career ni Gwen sa sobrang pagmamahal niya rito. Tapos, biglang nanahimik ang dalawa at nalaman na lang namin na naghiwalay na sila.

Enter frame sa buhay ni Gwen ang hunky model-basketball player na si David at ‘yun na, lumobo na ang tiyan ni Gwen at sa May 10 ay may pa-gender reveal na ang kanilang first baby.

Mukha namang sobrang inlabey sa isa’t isa sina Gwen at David, na parang bet na rin talagang magsimula ng sarili nilang pamilya.

28 si David at 28 na rin si Gwen, na in fairness ay bikini kung bikini pa rin kahit malaki na ang tiyan. Ang ganda ng Fil-Italian na dalaga at mukhang blooming siya.

Binalak din yatang magpakasal noon ni David sa ex nitong beauty queen na si Gwendoline Ruais, pero naunsyami ‘yon at nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila.

Minsan talaga, wala sa haba ng relasyon ang nakakatuluyan ng isang tao. Puwedeng kakakilala mo lang ay ‘yun na pala ang magiging dyowa mo for life.

As in hindi mo masasabi kung sino ang itinadhana para sa ‘yo.
PAK!!