POSIBLE kay Judy Ann Santos na magka-trabaho sila uli ni Piolo Pascual sa isang movie project.

“Hindi naman imposible ‘yun eh,” pakli ni Juday nang nakatsikahan namin sa special screening ng pelikula niyang Kusina na entry sa 12th Cinemalaya Independent Film Festival.

“Basta keri, basta maayos ‘yung project, at mapag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan, nothing is imposible.”

Naungkat na naman kasi ang katanu­ngang ‘yan dahil nagkasama ang dalawa sa isang endorsement at iyun pa rin ang hinihingi ng fans nila.

Pagkatapos ng Kusina, hindi pa alam ni Juday kung ano ang gagawin niya dahil kailangan pa niyang magpapayat.

Sakaling may plano na ang ABS-CBN 2 at kung gusto silang pagsamahin sa isang pelikula, bakit daw hindi?

Ang importante, magkausap muna silang mabuti ni Piolo.

Sabi pa ni Judy Ann, “Ano na lang ako ngayon, eh. Wala akong gustong i-please na ibang tao kundi sarili ko, family ko.

Piolo Pascual
Piolo Pascual

“Ayoko na ng hassle, ayoko na ng drama. ‘Yung kaya namang gawin nang maayos, nang pro­per, eh ‘di gawin natin nang ganu’n.”

Hindi rin isyu ‘yun sa kanila ni Ryan dahil walang problema sa asawa niya sakaling meron ngang project na pagsasamahan nila ng dating leading man.

“In fairness kay Ry, wala siyang isyu sa ganyan. Sabi pa niya, puwede ka­ming gumawa ng pelikula basta mag-usap lang kami ni Piolo.

“Kasi, wala naman siyang problema kay Piolo eh. Kumbaga, nakapag-usap na sila before.

“Ang ano du’n, ‘yung sa amin. What happened between me and PJ.

“Mali ‘yung iniisip ng mga tao na kaya hindi kami puwedeng gumawa ng pelikula ni Piolo, because of Ryan,” seryosong pahayag ni Judy Ann.

Sa ngayon, masaya siya at nagawa niya ang Kusina.

Naitawid niya ito nang maayos at masaya siya dahil natupad din ang isa sa mga pangarap niyang makagawa ng ganitong klaseng pelikula.

“Feeling ko, pag luma­bas ako sa isang pelikula na masyadong mabigat, kailangan ko na magpakita ng iba na hindi ko pa nabibigay ever sa pag-arte.

“I guess ito na ‘yung nilatag sa akin na hindi ko pa nagagawa. Wala pa akong ganitong klaseng pelikula.

Ryan Agoncillo
Ryan Agoncillo

“Nandito ako sa stage ngayon na I want to take the risk.

“Yung out of the box. Parang kung hindi ka magsusugal sa bagong larangan, hindi mo naman malalaman kung hanggang saan at kung gaano kalayo ang isang talento ng tao kung hindi mo susugalan, di ba?” pahayag ni Judy Ann.

Hindi siya nag-e-expect sa awards night ng Cinemalaya dahil matindi ang kalaban niya
“Mahuhusay na mga artista ang makatunggali mo, nandiyan si Ms. Nora Aunor, ang dami namin.

“Pero more than anything, ang pinakamala­king factor dito, nagawa ko siya nang sapat sa deadline namin.

“Malaki man ang waistline ko, naihabol ko naman ‘yung tahi ko. At least, hindi naman siya bumuka habang nagbi-breakdown ako di ba?” natatawang paha­yag ni Juday.