Unang pasabog ni Judy Ann Santos sa 2020 ang gagawin niyang biopic ni Mother Lily Monteverde.

January niya agad ito nakatakdang simulan, kaya kailangan daw itong pag-aralan at paghandaan ni Juday.

“Kasi, my God, si Mother Lily ‘yon, haligi siya ng buong industriya natin. Hindi ko puwedeng barubalin ‘yung karakter na ‘yon,” bulalas ng Kapamilya actress.

Si Mother Lily ang nagbigay ng “Mara Clara: The Movie” sa kanila ni Gladys Reyes noong araw, kaya utang na loob niya raw kay Mother kung anong meron siya ngayon.

“So, para i-handpick niya ako, hindi ko rin maintindihan. Ha! Ha! Ha! At kinabahan din ako. But I can’t say no because I love her and if she feels that I’m the perfect person to play her, maybe she sees something that I don’t.

“And I have full trust wih Erik Matti and Mother Lily and Dondon (Monteverde). I know, iga-guide nila ako rito.

“I know, it’s gonna be fun and it’s gonna be hard. Kasi, maraming magiging judgmental because it’s a biopic. And it’s my first time to do a biopic.

“It’s gonna very critical because everybody knows Mother Lily. She’s a character. Everybody knows how she talks, how she walks, how she gets mad. Paano siya magbihis, paano siya maging masaya, paano siya ma-bad trip, paano siya mambato.

“Alam ng lahat ‘yan. So, hindi ko siya puwedeng hindi aralin. And I guess, ‘yun ‘yung challenge ng universe sa akin,” nakangiting sambit ni Juday.

Ang dami raw ginawang bago ni Juday ngayong 2019. Na-invite siya as a chef sa isang world book fair sa Sharjah sa UAE para magsalita, naimbita sa Busan ang pelikula niyang “Mindanao” para doon mag-world premiere, nagbukas sila ng dalawang branch ng restaurant niyang Angrydobo, tapos ay nanalo siya ng kanyang first international acting award sa Cairo International Filmfest.

Lahat daw ‘yon ay bago sa kanya. At 41 ay para raw siyang 25. Para siyang bata na may energy siya at masaya niyang naikukuwento ang mga ‘yon sa mga anak niya.

Punumpuno raw ang puso ni Juday sa dami ng magagandang nangyari sa kanya this year. Bago nagtapos ang taon ay nanalo pa siyang Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF. So, bumuhos talaga ang mga biyaya sa kanya ngayong 2019.

Hanggang January na lang ang teleserye niyang “Starla” at tinanggap niya raw ito na alam niyang 13 weeks lang ito tatagal.

After ng Mother Lily biopic ay may isa pang movie na gagawin si Juday na si Erik Matti pa rin ang magdidirek.

Bea, Gerald, Kim naglamyerda sa Bagong Taon

Kung saan-saang lupalop naglamyerda ang mga celebs after Christmas at doon nila sasalubungin ang Bagong Taon.

Nasa Taiwan si Vice Ganda and family kasama ang jowa niyang si Ion Perez at panay ang swit-switan moments nila roon.

May mga humihirit tuloy na puwede silang magpakasal doon dahil legal na ang same sex marriage sa Taiwan.

Si Matteo Guidicelli and family ay nasa Japan at ang sososi ng mga kinakain nila roon. Mukhang naiwan lang dito sa ‘Pinas ang fiancée ni Matty na si Sarah Geronimo.

Si Toni Gonzaga ay nagtatampisaw sa snow sa Japan kasama ang mister na si Paul Soriano at anak nilang si Seve.

Nasa Japan din si Maja Salvador kasama ang pamilya ng boyfie niya na si Rambo Nuñez, pati na ang beshie niyang si Kakai Bautista.

Si Bea Alonzo ay naglilibot sa Europa. Mula sa Paris, France ay tumuloy siya ng Berlin, Germany at nagpapakasarap doon with a female friend.

May Europe tour din si Kim Chiu with boyfie Xian Lim. Mula sa Prague, Czech Republic ay sumegue ang magdyowa sa Luzern, Switzerland.

Nasa London naman si Enchong Dee kasama ang pamilya nito.

Si Gerald Anderson ay nasa Calgary sa Canada kasama ang kanyang madir at ilang kaibigan.

Mommy rin ang kasama ni Piolo Pascual sa beach, habang ang anak nitong si Iñigo ay nasa San Francisco naman with his relatives.

Sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati with Zion ay nasa Amerika rin, pati na si Ruffa Gutierrez and her daughters na nasa LA rin.

Nandu’n din sa California si Ai Ai delas Alas with hubby Gerald Sibayan at ka-bonding nila roon ang US-based son ng aktres na si Nicolo.

Ang magdyowang Anne Curtis at Erwan Heussaff ay nasa Australia.

Nasa Oz din ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid with their son Nate, na ka-bonding doon sina Michelle Van Eimeren at ang dalawang daughters dito ni Ogie na sina Leila at Sarah.

Happy New Year, everybody!!!