SA mga nagtatanong kung naitawid ba ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang kanyang karakter bilang Juanita sa Kusina, isang Cinemalaya 2016 film competition entry, walang halong pag-iimbot at buong katapatan, hindi niya lang ito itinawid.
Sakdal husay ang nag-iisang Mrs. Agoncillo.
Sa pagluluto umikot ang mga kaganapan sa pelikula at si Judy Ann, sinagpang niya ang buong karakter.
Mula sa pagiging ulirang maybahay, kita mo sa kanyang mga mata ang tamis at satisfaction dahil paborito at talagang sarap na sarap si Peles sa niluluto niyang sinigang na baka.
Dama mo ang pagkadurog ng kanyang puso noong naulila na siya ng kanyang lola, iniwan ng asawa at mga anak.
Ramdam na ramdam mo ang init na bumulwak panandalian sa kanyang pagkakababae dahil sa labis na pangungulila kaya naging mapangahas at mapaglaro siya.
***
Sa ganang akin, tatlo ang di makakalimutang eksena ni Judy Ann.
Mga patotoo na karapat-dapat siya sa taguring huling Philippine movie queen.
Noong pinapili niya kanyang anak at sinabing magdesisyon ito. Umagos na lang bigla ang kanyang luha, naka-rehistro sa mukha niya ‘yung pagkabigla na hindi siya ang pinili ni Myrna.
‘Yung parang tila may pagkasira na siya sa ulo habang pinakikinggan ang radyo at hindi pinapansin ang kanyang bunsong anak na nagsusumamo sa pagmamahal at nag-papaalam.
At sa mga pagsaboy niya sa asin, talagang ‘yung sakit na naramdaman niya, bilang manonood na nakita ang mga pinagdaanan ni Juanita … alam mong galing sa kanyang kaibuturan.
The wailing came from her gut and being.
Ang huling breakdown scene ni Judy Ann ay higit pa sa sapat na dahilan para sa mga tao upang panoorin at suportahan ang comeback film of sorts niyang ito.
***

Sa kabuuan, ang pelikula ay pwede mong ikumpara sa isang ulam o putahe na slow cooking ang pinagdaanan.
Sobrang dahan-dahan, mabagal, tahimik ang mga nangyayari dito.
Kadalasan ikaw, bilang manonood ang dapat magtimpla at magtantiya kung saan ito dapat dagdagan.
Sa asim at anghang ba dahil parang hindi klarung-klaro as a clear broth ang mga external at internal conflicts ng mga karakter.
Sa asin, toyo, paminta at ibang rekado ba dahil ang mga supporting players, partikular na ang mga gumanap na kababata at mga anak ni Judy Ann ay pawang di kaiga-igayang panoorin at parang dahop sa brillo at galing.
Magtataka ka pa kung paano sila naging anak.
Sa asukal ba at mga sikretong sangkap dahil parang kulang sa tamis, libog at landi ang relasyon niya kina Joem Bascom (bilang Peles) at Luis Alandy (bilang Alejandro).
Sa laurel, cumin, at kung anu-ano pang pampalasa dahil ang paglalahad sa kuwento ay parang pagong ang bilis.
Kumulo at nagka-enerhiya lamang ang pelikula nang dumating na sina Katrina Legaspi at CJ Navato at noong sa wakas, umapir na si Judy Ann.
***
May ilang eksenang parang magical realism.
Klarong halimbawa ‘yung panganganak scene ni Angeli Bayani. Kung ganu’n pala ang intensyon ng manunulat at direktor, tinahi na sana nila ito at itinuluy-tuloy ang magical realism intentions.
Ang magical realism ay best used sa Like Water for Chocolate ni Laura Esquivel, kung saan ang sa mga nilulutong pagkain din ni Tita uminog ang kuwento.
Ang bawat ulam at pagkain na luto ni Juanita ay may mas malalim na koneksyon at kahulugan sa mga tao.
Gayunpaman, sa pelikula, hindi malinaw at at hindi naipahiwatig ang emosyonal subtexts at relationships of the dishes sa mga taong tunay na importante at nagpaikot sa kanyang mundo at buhay.
Naging incidental at convenient excuses ang mga ihinandang ulam para ipakita ang cooking skill ni Judy Ann sa halip na maging plot centerpieces ito na magpapaigting sa kuwento.
Kapansin-pansin din na ang kusina ni Juanita, parang hindi man lang nagbabago samantalang ang daming nangyayari doon, mula sa araw na siya ay ipinanganak hanggang sa uminog ang life cycle niya.
Sabi dati ni the late, theater great Tony Espejo, ang Palanca winning plays ay world class ang pagkakasulat at sinasalamin nito at ipinapakita ang kilusan at pag-unlad ng dramatic arts ng Pilipinas.
Kaya lang, mahirap daw i-mount at gawing stage productions.
Dahil sa Kusina, mas nanalig ako ng sinabi ni Sir Tony. Minsan, ang mahusay sa papel, mahirap i-translate sa entablado, at sa kaso nito, sa medium ng pelikula.
Mainam ang intensyon at pangitain ng dalawang direktor, sina Cenon Bispo Palomares at David Corpuz.
Nais nilang ipakita sa atin ang joys ni Juanita. Her claustrophobic kitchen insulated and protected her from the daily horrors of her existence.
Every thing she experienced, bottled up and tightly lid inside her.
The slow boiling, burning, and boiling, damang-dama mo sa Kusina and as you sit through the film that clocked for more than two hours, one will expect a fully satisfying, burp-inducing and emotionally riveting cinematic experience….
Buti na lang talaga that Judy Ann Santos-Agoncillo is in it, she is movie’s heart and soul kaya it still became a worth while movie watching experience.