Juday handa nang makatrabaho si Piolo

Dati-rati, mas type ni Judy Ann Santos na makatrabaho muna si Vilma Santos kesa ang balik-tambalan nila ni Piolo Pascual. Pero ngayon, feeling niya ay dumating na ang tamang panahon para muling makasama sa isang proyekto ang Kapamilya actor.

Hirit pa niya, game na siyang maka-reunion si Papa P. pati na ang kapanabayan niya sa ‘Mara Clara’ na si Gladys Reyes.

Paliwanag pa niya, pareho na silang nag-mature ni Piolo at may mga anak na sila kaya ready na sila for a reunion project.

Iginagalang naman ni Juday kung ayaw na ni Piolo na magteleserye.

Gayunpaman, puwede raw naman silang magkatrabaho sa isang pelikula na matagal na ipinu-push ng dating ABS-CBN President at ngayon ay Chief Content Officer na si Charo Santos.

May nakabinbing teleserye si Juday na Starla sa ABS-CBN kung saan kasama niya si Raymart Santiago.