JUDAY, KINABOG NI HASMINE

Hasmine Killip

SA mahigpit na labanan sa Best Actress ng Cinemalaya 2016, ang performances lang nina Judy Ann Santos (Kusina) at Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo) ang mahigpit na pinagpilian ng mga hurado.

Si Barbie Forteza ay iniangat din sa pagiging best actress pero pareho silang nalaglag ni Nora Aunor.

Hindi rin nagwagi ang kapatid ni Coco Martin.

***

Tulad ng inaasahan, wagi ang Pamilya Ordinaryo at ang direktor nito na si Eduardo Roy bilang best director.

Si Hasmine Killip ang best actress (Pamilya Ordinaryo) at si Tommy Abuel ang best actor (Dagsin).

Best Supporting Actresses sina Elizabeth Oropesa (I America) at Lolly Mara (Ang Bagong Pamilya Ni Ponching).

Ang Best Supporting Actor (ensemble — mga bata sa Hiblang Abo).

***

Nora Aunor at Barbie Forteza
Nora Aunor at Barbie Forteza

Manalo man o matalo sa Cinemalaya Awards, buo ang pananalig ng premyadong manunulat na si Ricky Lee kay Judy Ann Santos sa desisyon niyang gawin ang pelikulang Kusina.

Sabi ni Ricky, “Judy Ann’s acting in KUSINA is obviously not raw but seasoned; she is a not a diamond-in-the-rough, instead, a first rate actress who has mastery of her craft and who has transcended the limitations of the material; and truly, she turned in a gem of a performance.

“The awards can go any which way, but Juday’s brilliance will stay and will undoubtedly flourish.”

***

Hindi naging ma­ningning ang Cinemalaya awards kagabi.

Sabi ng mga tao sa CCP, walang young and old superstars in attendance, pero maraming has-beens and wannabes.

***

Sa mga pelikulang kasali next year sa Cinemalaya, tanging pangalan ni Alfred Vargas lang ang ipinakita at sigurong nakalagay sa posters ng mga 2017 finalists.

Umaasa ang fans na sana, matuloy sina Sharon Cuneta at Maricel Soriano sa entries nila.

***

Pagkahaba-haba ng talkies ng director ng Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli na sinundan ng OK naman na additional speech ng producer at writer nito.

Pagkatapos nito ay parang naging comedy na dahil kinokontra na assistant director ang direktor nitong mali-mali at nangangarag.

***

“Enjoy the movie, and if you don’t like it, please shut up,” sabi ng mai­ngay na direktor na si Gil Portes sa Hermano Puli premiere na Closing Film ng Cinemalaya.

Sabi ng audience tuloy, dapat si Direk Gil ang mag-shut up dahil hindi pa rin niya naalis ang pagpapa-cute at pagiging conscious ni Aljur Abrenica sa pag-arte.

No show rin sa naturang program ang ex ni Louise na si Enzo Pineda na nagbabu na raw bilang Kapuso?