Juday, mega-proud kay Sharon

Sharon Cuneta

HAVEY: Isang papayat nang papayat na Judy Ann Santos ang bumungad sa press sa launching ng kanyang bagong campaign para sa water endorsement.

Pinagsusumikapan ni Juday na ibalik ang kanyang pangangatawan na pang-camera bago bumalik sa paggawa ng teleserye at pelikula para maayos ang makikita ng mga tao sa kanya on air.

Iba siyempre ‘yung Kusina — indie ‘yun sa Cinemalaya. Pero kung mainstream movie na, ayaw raw natin siyang makita na lumba-lumba sa big screen.

Naitanong din ng press kay Juday ang tungkol sa pagpapapayat din ng ate niyang Megastar na si Sharon Cuneta

“Grabe, super proud talaga ako kay Ate Sharon. ‘Yung determinasyon niyang pumayat at talagang bumalik sa look at kalagayan niya dati, super sampal ‘yan sa bashers niya na grabeng manghusga sa kanya noon.

“Kaya lesson ‘yan sa ating lahat na never, never judge someone lalo pa’t hindi mo alam ang pinagdadaanan niya,” pagtatanggol ni Juday kay Shawie.

“Since pareho kaming Kapamilya, I am looking forward to work with Ate anytime, game ako basta para sa kanya,” pag­wawakas ni Juday na grabe ang suporta at pagmamahal sa Megastar Sharon Cuneta.

Komedyana at hunk, nagtikiman

08-25-2016-positiveWALEY: Nangyari ang kuwentong ito sa ibang bansa kung saan nag-taping ang isang grupo ng mga komed­yante kasama ang isang hunk aktor.

Nagkasakit ang hunk aktor kaya ang komedyana ang nag-volunteer na samahan siya sa kuwarto at alagaan.

From there, naging touchy at pisikal ang kanilang pagkatuwa sa isa’t isa at tahimik lang ang mga kasamahan sa kanilang biyahe sa langit na pinagsaluhan.

Guess kung sino ang nagkumpirma na may naganap na kababalaghan sa dalawa?

Ang mismong hotel staff na may exhibit A and B at marami pang iba.
Walang kaso sana dahil consenting adults ang dalawa.

Ang siste, may sabit at parehong may asawa at pamil­ya ang komedyana at hunk aktor.
Pak! Ganern!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.