MALAPIT na ang Cinemalaya 2016 at puspusan ang pagpapapayat ni Judy Ann Santos para hindi siya ganu’n kalusog pag magpu-promote na siya ng pelikulang Kusina.
Bumagay sa itsura niya ngayon ang role pero gusto niyang mabawasan ng timbang para sa mga susunod niyang projects.
Sa ngayon ay wala pa siyang sisimulan kaya balik muna siya sa pagtutok sa mga anak niya.
Naging sunud-sunod ang trabaho noon ni Juday kaya medyo nawindang ang mga anak niya nang hindi na siya madalas nakakasama sa bahay.
Ang bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo na si Luna ang medyo iniisip niya dahil six months pa lang ito.
Mabuti at nandiyan sina Yohan at Lucho na sobrang alaga ang kanilang bunsong kapatid.
“Lucho and Yohan are very protective of Luna,” pakli ni Juday. “Talagang makikita mo sa kanila. There was never a time na nagselos sila kay Luna.
“For us nag-work ‘yung limang taon nilang agwat ng bawat isa. Kasi Lucho is old enough to be a big brother of Luna, and Yohan is old enough to understand the dynamics of an ate,” saad pa ni Juday.
Naloloka lang siya kay Lucho dahil humihirit na ito na bigyan naman siya ng baby brother.
“Si Lucho nga humihingi ng kapatid na lalaki. Sabi ko… anak, under renovation pa si Mommy, hindi pa puwede!” bulalas nito.
Pero sabi naman ni Juday, kung bibigyan pa sila ng Diyos ng isa pang baby, okay pa rin sa kanya.
Nakahanda sila na masundan pa si Luna kung sakali. Pero siyempre, hindi pa muna sa ngayon.
Type ni Juday na ma-experience uli ang payat-payatan na kagandahan!