JUDAY, NAPURUHAN SA JAPAN?

HAVEY: Masaya ang pag-uusap namin ni Ryan Agoncillo tungkol sa recent Japan trip nila ng kanyang Dabarkads.

“Masaya, kasi, relaxed at chill lang kasama ng mga boss at katrabaho namin,” sabi ni Ryan.

“At ito yata ang aming corporate culture — ang kumain, magbiyahe at mag-bonding sa ibang bansa.”

Sumama ang mga maybahay nila nina Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna, at Joey de Leon na si Eileen Macapagal, naging magandang honeymoon na rin ang naganap sa couples.

Of course, this might be the last trip of Pauleen as the pregnant wife of Vic dahil medyo mabigat na ang dinadala niya sa sinapupunan.

Si Joey ay kailangan ito bilang buwelo sa kanyang gagawing pelikula with Paolo Ballesteros para sa Octo Arts Films under Direk Tony Y. Reyes.

Si Ryan ay ginamit itong pambawi kay Juday after his almost month-long Himalayan trip.

Si Juday rin, ito na ang bakasyon bago mag-full swing shooting para sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

So, ano ang naganap sa biyahe nila? Naging tunay na honeymoon ba siya?

Pilyong kuwento ni Ryan na baka magbunga ang biyahe nila ng kanyang misis.

“Naku, bago pa nga kami mag-Japan, parang nagswak ang lahat. Bahala na si Lord kung masusundan pa si Luna,” sabi ni Ryan.

Ganern?

***

WALEY: Finally, sinabi na ng Megastar Sharon Cuneta na si Robin Padilla ang kanyang magiging leading man sa romantic-comedy film niya sa Star Cinema na ang magdidirek ay si Cathy Garcia-Molino.

Sa excitement ni Shawie ay nag-post siya sa social media ng “SHARON & ROBIN Coming back to you on the big screen in NOVEMBER 2017!!!” with matching pictures nila noong Maging Sino Ka Man, Di Na Natuto hanggang sa recent photos nila.

Una, sana lang matapos agad ni Direk Cathy ang pelikula niya with Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil at Cristine Reyes.

Ikalawa, sana rin makahanap ng mara­ming araw si Robin para sa shooting nila ni Mega dahil bukod sa may teleserye siya sa Kapamilya network ay busy rin siya sa taping ng Pilipinas Got Talent kung saan isa siya sa judges.

Ikatlo, sana tangkilikin ng publiko ang remastered at reedited version with new featured songs at marami pang improvements ng Cine­malaya entry ni Mega na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

We love the Megastar. At ngayong aminadong may pinagdaraanan siya, nandito lang tayong nakasuporta at nagmamahal sa kanya.

***

WEHHHHH: Isang malaking pagkalungkot ang balita tungkol sa pag­yao ni Tito Mario Hernando kahapon.

Alam kong dumaan siya sa cycle ng chemotherapy pero nadadala niya ito nang maayos.

Kaya laking shock ko nang mabalitaang inatake siya kahapon na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Kilala si Tito Mario bilang Tagapangulo ng Manunuri Ng Pelikulang Pilipino noong 2001-2002, 1985-86 at 1992-94; editor ng Weekend Malaya.

Dating Managing Editor ng pahayagang Malaya at Sunday Magazine ng Malaya. Aktibong kasapi rin siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Special lecturer siya sa film sa Faculty of Arts and Letters sa UST. Nagrebyu din siya ng mga pelikula sa Movie Magazine (kung saan nagbibigay siya ng mga rating sa pamamagitan ng stars), isang programa sa television na naging Channel S, sa loob ng pitong taon.

Personal ko siyang kilala at ang kanyang pamilya bilang kapitbahay ng pamilya namin sa Scout Fuentebella St., Quezon City. Naging mabait siya sa aking ina na naging kaibigan talaga nila.

Mula sa amin dito sa Abante Tonite, ipinaabot namamin ang taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Tito Mario at ang aming pasasalamat sa buhay at kabutihang ipinakita niya sa amin!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.