Juday naunahan ni Claudine kay Piolo

Ni Mildred A. Bacud

Seryoso na raw ang pagbabalik-showbiz ni Claudine Barretto. Sa dami rin kasi ng kontrobersiya sa buhay niya, nauudlot ang pagbabalik niya.

Pero ayon sa aktres, gustong-gusto na raw niyang magtrabaho muli.

Balitang ngayong buwan ay ipapalabas na ang MMK episode niya.

Ang good news pa ay magkakaroon daw sila ng reunion movie ni Piolo Pascual at sa ibang bansa rin ito kukunan. Matatandaang ginawa nila ang pelikulang “Milan” taong 2004 na talaga namang naging blockbuster hit. Sequel kaya ito?

Iniintriga na inunahan pa raw nila ang reunion movie nina Piolo at Judy Ann Santos na sa tagal ng plano ay hindi pa rin matuloy-tuloy.

Kakalipat lang din ng dating asawa ni Claudine na si Raymart Santiago sa Dos.

Magkaroon din kaya ng pagkakataong magkatrabaho sila ng aktres?