Juday, Piolo, Yassi wasak sa pagsara ng Dos

NI: VINIA VIVAR

Hindi nag-iisa si Coco sa pagsasabi ng kanyang saloobin dahil pati ang ibang Kapamilya stars ay nagsipag-post din sa kani-kanilang social media accounts para ikondena ang pagsasara ng kanilang home network at ibahagi ang kalungkuta’t galit na nararamdaman. Lahat ay durog na durog at wasak na wasak ang puso.

“Tila isang masamang panaginip,” ang post ni Daniel Padilla.

“We are heartbroken but we are not hopeless. We lift everything to you Lord Jesus Christ. We trust you,” pahayag naman ni Vice Ganda.

Nakakaiyak din ang post ni Jericho Rosales. “Isa sa pinakamasakit na pagtatapos at katahimikang narinig ko. Bata pa ako pinapanood ko na yang signing off part pagkatapos manood kasama lolo at lola ko. Naging pampatulog na rin at pampakalma. Hindi ko inakala na aabot sa ganitong pagsign-off. Pakipasa baka tablan sila,” he wrote.

“I’m still in disbelief that this is actually happening. It’s so heartbreaking. Nakakalungkot .

“To my ABS-CBN Family, I stand with you. I pray for brighter days and hearing “in the service of the Filipino” on air again.

“A big hug sa lahat ng aking KAPAMILYA,” post ni Anne Curtis.

Si Piolo Pascual ay umaming napaiyak habang nagsa-sign off ang network sa huling sandali.

“As I was watching closely and with disbelief, tears flowed and my heart just felt the pain.. and then I heard the words ‘now signing off’ then it went black… wasnt able to move for a few seconds…

“I have nothing but prayers for a positive outcome for this hurdle… and as always we’ll get through this together… let’s continue praying for each other and for ABS to return to broadcasting asap… maraming salamat Kapamilya,” pahayag ni Piolo.

“Iniisip at inaalala naming artists ng aming tahanan, ang ABS-CBN, ang ilampung-libong empleyadong lumaki nang kasama ko, at ang mga batang bagong empleyado pa lamang ng aming istasyon…You are all in my heart and prayers. We love our HOME. And some people have made us HOMELESS now…May God bless us all,” post naman ni Sharon Cuneta.

Tulad ni Vice Ganda ay isa ring dasal ang inalay ni Kim Chiu.

“Itinataas namin sa inyo panginoon ang lahat ng nangyayari ngayon. Hindi man namin maintindihan ang pagkasunodsunod nito pero naniniwala kami na sa gitna ng lahat ng ito ay hindi mo kami pababayaan. We lift everything in your name. Everything father God. AMEN!” post ni Chinita Princess.

Wasak din ang puso ni Yassi Pressman.

“Sa tahanang nagpatupad ng mga pangarap at tumulong sa napakaraming tao, maraming salamat po. Patuloy ang pagpatak ng luha ko sa balitang narinig ko,” pahayag ni Yassi.

“Sad day for so many people ..ang bigat,” post ni Gerald Anderson. Pero sa kabila nito ay nagpaka-positibo pa rin naman ang aktor.

“Believe me, the comeback will always be stronger than the setback..” ang sumunod na post ni Gerald.

“We will come back stronger,” ang positibo ring post ni Arjo Atayde.

“Masakit…. Nakakalungkot…Nakakagalit… Nakakaiyak. Maraming salamat @abscbn sa milyong milyong taong natulungan at napasaya nyo. Maraming salamat kapamilya sa pagmamahal. Hanggang sa muli,” saad naman ni Ryza Cenon.

Nakakadurog din ng puso ang post ni Shaina Magdayao.

“May 5,2020. Hindi namin ito malilimutan. ABSCBN IS NOT THE ENEMY.

“We are in the middle of a #pandemic and more than a month of #ECQ with MORE pressing issues to prioritize than shutting down a major network that has been instrumental in helping Filipinos during this time, #ABSCBN.

“11,000+ Filipinos lost their jobs today. We lost our right to Freedom, today. Our home, ABSCBN, had to go off air. Today.

“This is truly heartbreaking. To the people behind this,How could you sleep well tonight?….and why now? After saying that the station can still air even after the franchise expires?” bahagi ng post ni Shaina.

Halos ganito rin ang pahayag ni Judy Ann Santos.

“Nakakalungkot.. nakakapanghina… nakakatulala.. dalawang bagay ang hindi ko inakalang mangyayari sa buong buhay ko.. ang maranasan ang ECQ at magsara ang naging bahay at buhay ko mula 13 years old ako..

“Maraming mas dapat pagtuunan ng pansin sa mga panahong to.. maraming nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.. maraming natutulungan ang kumpanyang bumubuhay sa puso ng mga tao sa panahong to sa pamamagitan ng mga programang pwedeng magpalibang at pansamantalang makalimutan ang mga problemang pinagdadaanan nating lahat… bakit po? Bakit ngayon?? Hindi po bang mas importanteng magtulungan tayo at magkaisa kahit pansamantala na muna habang may kinakaharap tayong mas malaking kaaway? Hindi po ba dapat sama sama nating ginagawa ang pwede nating maggawa para makapagsilbi sa mamayang Pilipino?? Hindi ko naiintindihan…

“Kung may iilang tao ang nagbubunyi ngayon dahil nakuha at naggawa nilang maipasara ang ABS- CBN… mas marami po kayong taong nasaktan at tinanggalan ng trabaho sa panahong lahat ng tao ay nag aalala kung paano bubuhayin ang mga pamilya nila… maari po bang makahingi ng sapat na paliwanag??”

Nag-iwan naman ng matapang na mensahe ang broadcast journalist na si Ces Drilon.

“You can take us off the air, but you can’t silence us,” pahayag ni Ces. (VINIA VIVAR)