judy ann santosNAGBABALIK sa telebisyon si Judy Ann Santos-Agoncillo matapos mawala nang halos dalawang taon dahil sa bunso niyang anak na si Luna.

Balik-hosting si Juday sa 3rd season ng kiddie game show na Bet On Your Baby na para sa kanya ay perfect na pang-comeback dahil mga ba­gets ang kasama niya rito at nakakabata ito.

Hindi pa rin kino-consider ni Juday ang sarili niya na isang host at may doubt pa rin siya sa sarili niya.

Na-miss niya ang Bet On Your Baby kaya ito ang ni-request niya sa ABS-CBN, pero grabe ang nerbiyos niya nang mag-first taping day siya nu’ng isang araw.

Nakailang balik siya sa banyo dahil nalulula siya, natutulala, ang dami niyang buckle at para siyang hihimitayin na hindi niya maintindihan.

Ang tagal din kasi niyang hindi nag-heels, so lahat ‘yon ay nagsama-sama sa isang araw kaya ang puso niya ay gusto siyang walkout-an.

But because ang goal niya this year is to face her fears ay hinarap niya ito nang bongga.

In fainess ay ang laki na ng pinayat ni Juday kaya gandara na naman siya. Sey niya, ang lakas makapagpapayat ni Luna.

Mga 5 lbs. ang na-lose niya nang magbakasyon sila kamakailan sa Amerika sa kakahabol sa ubod ng likot na bunso niya.

Cute ‘yung tsika ni Juday na kung si Lucho ay napaka-chill, napaka-relax, walang kakulitan, hindi malikot at lahat ng sinasabi niya ay sinusunod, si Luna ay nakuha lahat ng kakulitan.

Tingnan lang niya si bagets ay napapagod na siya. Napaka-cute nito pero napakalikot. As in test of everything kaya humihingi siya ng wisdom kay Lord.

Ang saya ng recent US trip nilang pamilya na tumira sila sa bahay nila sa Las Vegas.

Sey ni Juday, gusto nilang gawin ‘yon 3 times a year, pero dahil hindi ito ganu’n kadali ay mga once in 2 years lang sila. Ipon muna at hanap ng promo ticket.

Ngayon ay 8th wedding anniversary nila ni Ryan. Sa May 11 ay 39th birthday ni Juday.

Lilipad sila ni Ryan pa-Italy dahil ‘yung stylist niya ay ikakasal doon.
BET ba nila na gumawa ng isa pang BABY?

“Bet naman, pero hindi pa ngayon. Kailangan siyang paghandaan. Hindi puwedeng biglaan,” sagot sa amin ni Juday.

“Okey na kami sa tatlo, kumpleto na kami. It’s the perfect bilang para sa isang pa­milya. Three is enough.

“Kung i-bless kami ng Lord ng isa pa without really trying, ibig sabihin, para siya sa amin. Kung hindi naman, okey lang din.

Ibig sabihin, dapat tatlo lang ang supling namin para mabigyan namin ng proper attention ang bawat isa sa kanila.”

5 years pala ang agwat ng mga anak nila from Yohan to Lucho to Luna. Kung susundin ‘yon ay 44-anyos na siya sa next baby after Luna, so mahihirapan na ang matris niya.

Ang totoo ay okey kay Juday na isa pang boy dahil ‘pag girl ay maka-daddy talaga. Kay Lucho ay buong-buo raw siya.

“Kung biyayaan kami ng isa pa, okey lang. Pero Lord, hindi naman agad. Huwag sanang digital ang sagot.

“Okey lang na mahina ang internet natin sa Pilipinas. Medyo tagalan natin nang slight. Ha! Ha! Ha!

“Hindi namin plano na magka-4th baby. We’re more than okay with 3. Okey na muna ‘yon.

Ipon-ipon muna. Bawi-bawi rin, mars!” natatawang sambit ni Juday.
Sa Mayo ang simula ng 3rd season ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN.