Dahil 11 taon na silang mag-asawa, nakahanap ng paraan sina showbiz couple Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na magdiwang sa labas.

Kumain sila sa bakuran ng kanilang bahay kagabi, kasama ang tatlo nilang chikiting na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Gulantang ang lahat matapos lihim na magpakasal ang dalawa sa Batangas, 11 taon na ang nakararaan. Tanging pamilya at malalapit na kaibigan ang dumalo sa okasyon.

“Yes!!!!! Nakakain kami sa labas… ng bahay! happy 11th my love! ️ ️,” sey ni Juday sa Instagram. (SDC)