Judge nanakawan ng P.6M sa gym

Judge nanakawan ng P.6M sa gym

Natangangan ng pera, alahas at mahahalagang dokumento na nagkakahalaga ng P.3 milyong ang isang hukom habang ito ay nag-work-out sa isang sikat na gym sa lungsod ng Pasay kamakalawa nang hapon.

Galit na galit nang dumulog kahapon sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police ang biktimang si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Bernard Bernal y Pineda, 41, ng Branch 74.

Sa report ni P/Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police alas-3:50 kamakalawa ng hapon nang magtungo ang biktima sa loob ng Inside Fitness First Gym sa MOA Complex.

Nagwork-out ang naturang hukom kaya iniwan muna nito ang kanyang mga pera at personal belonging­ sa locker number 549.

Makalipas ang dalawang oras, pagkatapos nitong magwork-out ay nakita na lamang nitong bukas at wasak ang susi ng locker at tinangay ang kanyang wallet na nagkakahalagang P18,000; diamond ring na P275,000; P40,000 cash money; driver’s license at ATM card, na may lamang P333,000.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa pamunuan ng gym ang insidente na kaagad namang inireklamo sa Pasay City Police. (Armida Rico)