Judiciary, PITC agawan sa F4

Mag-uumpugan sa do-or-die battle ang two-time champion Judiciary at Philippine International Global Trading bukas, Linggo para sa last Final Four slot ng 8th UNTV Cup 2019-2020 quarterfinals sa Paco Arena sa Mayna.

Kasalukuyang may 6-5 win-loss record ang dalawa at magtatapat sa alas-singko ng hapon para sa nalalapit na pagtatapos yugto sa ligang inor­ganisa ni UNTV president at CEO Dr. Daniel Razon.

Sino man ang manalo, siya ang tatapat sa defending champion Armed Forces of the Philippines para sa best of three semifinals.

Puwede pa ang Department of Agriculture na makatabla sa Judiciary at PITC showdown kung mananaig laban sa NHA Builders dahil makakakuha ito ng 6-5 kartada.

Sure na sa semis ang NHA Builders­ matapos pabagsakin ang PITC Global Traders 77-74 nitong nakaraang Linggo kaya naman susubukang ipagpa­tuloy ang panalo upang makapaghanda sa semis. (Aivan Denzel Episcope)