Bongga talaga si Judy Ann Santos. Hindi lang siya mahusay na aktres at magaling magluto, winner din siya sa paggugupit ng buhok.

Makikita sa kanyang Instagram account ang paggupit ng aktres sa buhok ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo at sa bunso nilang si Luna.

Dumaing si Juday na sumakit ang balakang niya sa haircutting pero masaya siya dahil kumpleto pa ang daliri niya.

“Barber skills unlocked! sarado na po ang salon ko.. sabi ng balakang ko. thanks mars! @jingmonis for the tutorial! kumpleto pa naman ang mga daliri ko, at walang dugong dumanak,” deklara niya. (IS)