Judy Ann tinapatan si Alden

Ang “Starla”, na bagong show ni Judy Ann Santos, ang siyang makakatapat ng “The Gift” ni Alden Richards.

Kung maganda ang response ng viewers sa “The Gift” ni Alden sa unang week nito, ano kaya ang magiging kapalaran nito kapag nagsimula na ang airing ng teleserye ni Juday?

Certified drama queen si Juday ng Kapamilya network. Hindi na mabilang ang kanyang mga top-rating shows sa Kapamilya channel. Pero matagal na nawala sa TV si Juday. Matagal na since her last show.

Kaya puwedeng sabik ang mga fan ni Juday at excited silang panoorin ang aktres sa “Starla”.

At siguradong tiniyak ng ABS-CBN na maganda ang “Starla” dahil comeback teleserye ito ni Juday.

Migo binawian ng lisensiya

Ayon sa ilang members ng press na dumalo sa presscon ng “Black Lipstick”, may potential na maging big star si Migo Adecer, ang isa sa leading man ni Kyline Alcantara sa launching movie ng dalaga.

Pero ‘yung ibang press naman ay sinasabi na dapat ding matuto si Migo ng tamang pakikitungo sa members of the media. Dapat daw may mag-advise sa binata how to deal with the press.

May ibang writers ang nagsasabi na dapat matutong mag-Tagalog si Migo. Kailangan daw mag-effort si Migo na mag-aral ng Tagalog for better communication with the members of the press.

Inglisero si Migo dahil laking Australia pero magandang suggestion na matuto siya ng Tagalog para na rin sa ikabubuti ng kanyang career.

Nag-enjoy si Migo katrabaho si Kyline sa “Black Lipstick” dahil very professional raw ito at alam ang kanyang ginagawa.

Naka-move on na raw ito matapos ang aksidenteng kinasangkutan niya noong Marso. Nakulong pa nga siya that time. Nagkaroon lang daw ng misunderstanding at may mga ilang bagay daw na hindi nai-share sa press.

Naging problema rin ang language barrier kaya ‘di na-explain mabuti ni Migo ang side niya. Pero ang importante raw ay walang nasaktan sa aksidente. Kaya lang na-revoke ang kanyang lisensiya at two years pa ang hihintayin niya para makakuha ng bago.