Isasagawa ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa Disyembre ang taunang 2020 Ayala Philippine Athletics Championships matapos mausog dahil sa paglaganap sa mundo ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Napag-alaman kahapon kay PATAFA president Philip Ella Juico, na iniusog ang blue ribbon trackfest ilang buwan bago ganapin ang naatrasado ring 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan upang maging isa na ito sa mga qualifying event para sa quadrennial sportsfest.
“We will relaunch the National Open middle of December 2020. This will be an Olympic qualifier and we hope to attract foreign teams,’’ hirit ni Juico.
Orihinal na nakatakdang idaos and paligsahan sa Mayo 27-31, pero napuwersa ang PATAFA na iusog ang matapos magdeklara ang gobyerno ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon na inaasahang matatapos kung hindi mae-extend uli sa Mayo 15.
“Our local athletes will have a chance to compete [for the first time] since the UAAP and NCAA canceled their competitions because of the coronavirus,’’ dugtong ni Juico.
Kahit halos dalawang buwan na ang quarantine na dulot ng pandemic, pinanapos na saad ni Juico na patuloy pa rin ang pagsasanay ng mga atelta partikular na ang mga nangangarap mag-qualify sa 2021 na Tokyo Olympics
Isa pa lagg sa kasalukuyan ang bet ng PATAFA sa Summer Games, si reigning Universiade at Asian men’s pole vault champion Ernest John Obiena, habang umaasa ang asosasyon na anim-walong atleta pa ang posibleng mag-qualify rin. (Lito Oredo)