Isang masayang Julia Barretto ang nakita namin sa 16th birthday party ng panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez Bektas nu’ng Sabado night sa Whitespace Makati.
Natsika saglit namin at ng iilang imbitadong showbiz press si Julia kahit halos hindi kami magkarinigan dahil sa ingay ng kumakantang banda.
Walang nagtanong kay Julia tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil party mode ang lahat at good vibes lang. Sumenyas din ang madir ni Julia na si Marjorie Barretto na kung puwede ay walang intrigang tanong.
In fairness ay chumika-chika naman sa amin ang kontrobersyal na Kapamilya actress at hindi siya umiwas sa press.
“No, of course not! We have to enjoy. Chika, tapos enjoy!” bulalas ni Julia sabay smile.
Anong wish niya para sa friend niyang si Lorin?
“How old is she, 16? My gosh, I wish I was 16 again!
“My birthday wish for her, sana ma-achieve niya lahat ng dreams niya, focus on her studies at marami pa siyang ma-achieve in the future for herself and to enjoy her youth.
“Huwag munang magbo-boyfriend!” natatawang sey ni Julia.
Good advice. ‘Yun din ba ang advice niya sa sarili niya?
“‘Yan ‘yung advice ko sa 16-year-old self ko! Ha! Ha! Ha!” tawa ulit ng 22-anyos na dalaga.
Nu’ng 16 daw si Julia, she went back to work and she was already living her dream sa showbiz nu’ng edad niya na ‘yon. At 16, ang dami na raw niyang natutunan at na-realize about life.
Ano ‘yung best lesson na natutunan niya about life?
“The best lesson I’ve learned about life for how many years that I’ve been in the business siguro is to have compassion for other people.”
Mabuti’t happy siya at ine-enjoy niya ang buhay pagkatapos ng mga kung anu-anong isyu sa kanya recently?
“I have a very solid and very strong support system. My family has been a big factor in the healing process and everyone’s moving forward na, ‘di ba?” nakangiting sambit ni Juls.
Tinanong namin siya kung kailan na ang zombie movie nila ng ex niyang si Joshua Garcia na “Block Z.”
“Malapit na, nagpo-post production na sila. So, pagkatapos ng editing, go na!” sagot sa amin ni Julia.
Totoo bang may balak din daw isali ang movie nila sa MMFF 2019 sa December?
“May possibility. Tingnan natin.”
In fairness ay ang daming nagpapiktyur kay Julia doon sa party at enjoy-enjoy lang talaga siyang nagmi-mingle with other guests at umiinom ng red wine.
Lorin no boyfriend muna
‘Yung Coachella-inspired birthday party pala ni Lorin Gutierrez ang b-day gift sa kanya ng mommy niyang si Ruffa. Sobrang saya ng bagets sa dami ng friends at bisita niyang dumating sa bonggang piging niya.
Magsu-showbiz na ba si Lorin soon?
“I don’t know, I seriously don’t know. I have no idea, but it depends where life takes me.
“I just want to finish my high school first. It depends where I go to college. So, let’s see,” sagot sa amin ng bagets na ma-PR din at magaling magsalita, mana sa mommy niya.
Pero gusto niyang pumasok sa showbiz, ‘di ba?
“I wouldn’t mind going into showbiz but I’m still not sure. I’m testing everything out,” nakangiting pakli ng 16-anyos na dalagita, na no boyfriend daw muna at focus sa studies first.
Nag-3-week summer course si Lorin sa States kamakailan lang pero dito pa rin siya nag-aaral ng high school sa ‘Pinas.
Nasa 3rd year pa lang daw siya, so meron pa raw siyang 2 more years to go. Baka sa college niya sa US siya mag-aral.
Ilan sa mga nakita naming nakisaya sa party ni Lorin ay sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Atasha Muhlach with mom Charlene Gonzalez-Muhlach at Kobe Paras with mom Jackie Forster.
Dumating din sina Ormoc Mayor Richard Gomez & Congresswoman wifey Lucy Torres-Gomez, Bongbong Marcos with son Simon, Chavit Singson, Lorna Tolentino, Mariel Padilla minus hubby Robin Padila (na kasama ni Duterte sa China), Vina Morales, Donita Rose at marami pang iba.
Ruffa pasaway nu’ng 16 anyos
Proud lola si Tita Annabelle Rama sa una niyang apo na si Lorin dahil mabait daw ito at malayong-malayo sa panganay nila ni Tito Eddie Gutierrez na si Ruffa.
Nu’ng 16-anyos daw kasi si Ruffa ay marami siyang problema dahil pasaway ito, samantalang si Lorin ngayon ay aral lang nang aral.
Anong mas gusto niya for Lorin, maging artista o beauty queen?
“Bahala siya kung anong gusto niya. I’ll be here to support her. Support lang ako,” sambit ni Tita Annabelle, na isa rin sa punong abala sa sosi musicfest-themed party ng kanyang mahal na apo.